Xian Gaza, inilahad ang kanyang pagiging pugante at pagbangon mula sa mga kaso
- Ibinahagi ni Xian Gaza ang kanyang naging karanasan bilang isang pugante noong 2018 matapos magkaroon ng tatlong warrant of arrest laban sa kanya
- Naglakbay siya sa iba’t ibang bansa na may kaunting pera lamang at umasa sa tulong ng kanyang mga tagasubaybay upang magkaroon ng matutuluyan
- Inamin niyang ang kanyang pinagdaanang pagsubok ay bunga ng maling desisyon ngunit ito rin ang naging daan sa kanyang muling pag-angat at paglalakbay sa 58 bansa
- Ipinahayag niyang ayos na ang lahat ng kanyang kaso matapos umatras ang isang complainant, ma-dismiss ang isang kaso, at pumanaw ang huling complainant kamakailan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang mahabang Facebook post, muling binalikan ni Xian Gaza ang kanyang naging buhay bilang isang pugante noong 2018 matapos maglabas ng tatlong warrant of arrest laban sa kanya, kabilang ang isang kasong no bail, na nagpilit sa kanyang lumabas ng bansa upang umiwas sa pagkakakulong.

Source: Facebook
Ayon kay Gaza, nagpunta siya sa ibang bansa na may mas mababa sa ₱20,000 sa kanyang bulsa at walang tiyak na patutunguhan. Sa loob ng ilang buwan, umaasa lamang siya sa tulong ng kanyang mga tagasubaybay sa Facebook, na noon ay nasa 190,000 pa lamang, upang magkaroon ng matutuluyan sa iba’t ibang bansa gaya ng Hong Kong at Vietnam.
Sa kabila ng matinding hirap, inamin ni Gaza na ang kanyang paglayo ay nagbigay daan upang makapaglakbay siya sa 58 bansa at magkaroon ng panibagong pananaw sa buhay. Aniya, ang kanyang pinagdaanang pagsubok ay bunga ng maling desisyon noong nakaraan, ngunit ito rin ang naging daan sa kanyang muling pag-angat.
Isiniwalat din ni Gaza na noong 2019, dalawang malalapit niyang kaibigan ang dumaan sa parehong sitwasyon at kinailangang lumabas ng bansa. Sa gitna ng kanilang pagsubok, nabuo nila ang isang negosyo na ngayon ay kumikita ng 9 digits kada buwan sa nakalipas na tatlong taon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang post, ibinahagi rin ni Gaza na ngayon ay malinis na ang kanyang record at ayos na ang lahat ng kanyang kaso, matapos umatras ang isang complainant noong 2019, ma-dismiss ang isang kaso noong 2020, at pumanaw ang huling complainant kamakailan.
"Kung hindi ako lumabas ng bansa, hindi ako magiging Pambansang Marites dahil matatakot ako sa libel case. May purpose talaga ang lahat," ani Gaza.
Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.
Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.
Kumpirmado umano ni Xian na 99.9% nang nagkaayos sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ayon sa kanyang mga source. Nagbigay ng paalala si Mommy Min Bernardo sa mga fans ni Kathryn na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na balita at tinawag itong "fake news." Patuloy ang espekulasyon ng netizens matapos lumabas ang mga cryptic posts ni Xian Gaza tungkol sa umano’y lihim na pagtatagpo ng dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh