Babaeng homeless, ninakawan ng perang na-ipon sa loob ng sampung taon

Babaeng homeless, ninakawan ng perang na-ipon sa loob ng sampung taon

- Ninakawan ng dalawang lalaki ang isang babaeng homeless sa Barangay San Nicholas, Cebu City at natangay ang kanyang bag na may ipon na P20,000

- Nahuli sa CCTV ang mga suspek na sakay ng e-tricycle habang inaagaw ang bag ng biktima bago sila mabilis na tumakas

- Iniwan ng mga suspek ang ginamit na e-trike sa isang lugar matapos silang mahuli ng mga tanod ngunit hindi na sila naabutan

- Naibalik sa biktima ang kanyang bag ngunit hindi matiyak kung nabawasan ang kanyang pera dahil nasa estado pa rin siya ng pagkabigla

Maging ang isang babaeng homeless na naninirahan sa bangketa sa Barangay San Nicholas, Cebu City ay hindi nakaligtas sa kamay ng mga kawatan matapos siyang nakawan ng dalawang lalaki na sakay ng isang e-tricycle.

Babaeng homeless, ninakawan ng perang na-ipon sa loob ng sampung taon
Babaeng homeless, ninakawan ng perang na-ipon sa loob ng sampung taon (📷: GMA News)
Source: Facebook

Batay sa ulat ng GMA News, nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan huminto ang dalawang lalaki malapit sa kinaroroonan ng biktima. Isa sa kanila ang pumunta sa likuran ng babae at biglang hinablot ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang naipong pera sa loob ng halos sampung taon, na tinatayang aabot sa P20,000, bago tumakas gamit ang kanilang sinasakyang e-trike.

Read also

Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show

Ayon kay Barangay Captain Clifford Ninal, matagal nang nag-iipon ng pera ang biktima mula sa pangangalakal upang masigurong may makakain sa pang-araw-araw. "Pinasok niya sa bag para [kung sakali] mayroon siyang makain," aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa tulong ng CCTV footage, agad na naalerto ang mga barangay tanod at sinubukang habulin ang mga suspek. Ngunit nang matagpuan ang kanilang ginamit na e-tricycle malapit sa Ermita, natuklasang iniwan na lamang ito habang ang mga suspek ay tuluyan nang tumakas. Lumabas din sa imbestigasyon na ang nasabing e-trike ay ninakaw rin at ginamit lamang sa krimen.

Sa kabutihang palad, naibalik sa babae ang kanyang bag, subalit hindi pa matukoy kung nabawasan ang kanyang naipong pera. Ayon sa barangay, nasa matinding pagkabigla pa ang biktima at nahihirapang makipag-usap.

Sa kabila ng insidente, tiniyak ng barangay na magbibigay sila ng karagdagang tulong sa babaeng homeless upang matulungan siyang makabangon mula sa nangyari. Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng naturang pagnanakaw

Read also

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Read also

Service crew na 3 araw na nawala, chop-chop at naaagnas na ang katawan nang datnan sa Caloocan

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay ..

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate