Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Toni Gonzaga: "Walang Kulay ang gutom"
- Ibinahagi ni Kiko Pangilinan ang larawan nila ni Toni Gonzaga matapos ang kanyang panayam sa Toni Talks
- Pinost niya ito sa X (dating Twitter) na may mensaheng “Walang kulay ang gutom. Iba-iba ang kulay ng gulay at pagkain”
- Nagpasalamat siya kay Toni sa pagkakataong maibahagi ang kanyang mga adhikain bilang senatorial candidate
- Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang panayam, kung saan may natuwa at may nagbigay rin ng opinyon tungkol sa kanilang paninindigan sa pulitika
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni senatorial candidate Atty. Kiko Pangilinan ang larawan niya kasama ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos ang kanyang pagbisita sa online show na Toni Talks. Sa kanyang X (dating Twitter) account noong Martes, Pebrero 25, ipinost niya ang litrato kalakip ang mensahe niyang, “Walang kulay ang gutom. Iba-iba ang kulay ng gulay at pagkain.”

Source: Facebook
Nagpasalamat din si Pangilinan kay Gonzaga sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maibahagi ang kanyang mga adhikain para sa muling pagtakbo bilang senador. Sa vlog na pinamagatang “Kiko Pangilinan’s Astronaut Dream: How He Ended Up With The Megastar & Senate Comeback”, tinalakay ng dalawa ang buhay ng dating senador bago siya pumasok sa politika, pati na rin ang mga programang nais niyang isulong.

Read also
Jeraldine Blackman, umalma sa espikulasyong 'for content' lang ang paghihiwalay nila ng asawa
Salamat, Toni Gonzaga, sa pagkakataong maibahagi ang mensaheng ito sa Toni Talks. Narito po ang aming kamustahan at kwentuhan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pag-guest ni Pangilinan sa programa ni Gonzaga. Habang may mga natuwa sa panayam, may ilan ding nagbigay ng opinyon ukol sa pulitika at mga paninindigan ng dalawa.
I prayed na mkapasok si sen. kiko pangilinan at Sen. Bam aquino sa magic 12 ng senate slots.
Mapagkatiwalaan, respetado may malasakit sa kapwa i salute you po Sen Kiko
Ang lupet, antagal na sa public service pero malinis ang pangalan. ganyan dapat.
Si Francis "Kiko" Pangilinan ay isang Pilipinong politiko, abogado, at dating senador ng Pilipinas. Kilala siya sa kanyang adbokasiya sa agrikultura, kabataan, at reporma sa hustisya. Siya ay naging senador mula 2001 hanggang 2013 at muling nahalal noong 2016. Noong 2022, tumakbo siya bilang bise presidente ng Pilipinas bilang running mate ni Leni Robredo, ngunit hindi siya nanalo. Bukod sa politika, kilala rin siya bilang asawa ng aktres at singer na si Sharon Cuneta.
Matatandaang nagbahagi si Sharon Cuneta ng mga pictures kung saan kasama niya ang Pangulong Bongbong Marcos at ang Unang Ginang na si Liza Marcos. Sa isa pang litrato ay kasama din niya ang kanyang asawag si dating Sen. Kiko Pangilinan. Sa caption ay binahagi niya ang sinabi raw ni PBBM na welcome siya anumang oras.Kamakailan ay nagbahagi rin si Sharon ng kanyang paghanga sa dating Bise Presidente Leni Robredo nang magkitasila ni PBBM.
Dumalo si dating Senador Kiko Pangilinan sa Konsyerto sa Palasyo bilang suporta sa lokal na industriya ng pelikula. Kasama niya ang asawang si Sharon Cuneta na itinuturing na haligi ng Philippine Cinema. Ipinahayag ni Pangilinan ang suporta sa desisyon ng Malacañang na ipagbawal ang POGOs at ipagtanggol ang soberanya ng bansa. Nilinaw niyang ang kanilang pagdalo ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa kanilang prinsipyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh