Jam Ignacio, binahagi ang aniya'y pinagmulan ng kanilang pagtatalo ni Jellie Aw
- Naglabas ng pahayag si Jam Ignacio sa GMA News upang humingi ng tawad kay Jellie Aw matapos ang akusasyon ng pananakit
- Ibinahagi ni Jellie Aw sa social media ang kanyang mga larawan na may pasa at duguan at itinuro si Ignacio bilang may kagagawan
- Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Jo Aw ang insidente at sinabi nilang ipaglalaban nila ang hustisya para kay Jellie
- Patuloy na inaabangan ng publiko ang susunod na hakbang ni Jellie Aw lalo na sa aspetong legal at kung paano ito makakaapekto kay Jam Ignacio
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Humarap sa GMA News ang content creator na si Jam Ignacio upang humingi ng tawad sa kanyang fiancée na si Jellie Aw matapos siyang akusahan ng pananakit. Sa kanyang pahayag, inamin niya ang kanyang pagkakamali at humingi rin ng paumanhin sa mga kaibigan at tagasuporta ni Jellie.

Source: Instagram
"Gusto kong humingi ng tawad kay Jellie at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya. Inaamin ko ang aking pagkakamali at sobrang sorry ako sa nangyari. Hindi na ito mauulit," ani Ignacio.
Dagdag pa niya, hangad niyang mabigyan siya ng pagkakataong ayusin ang kanilang relasyon sa pribadong paraan. Ayon kay Ignacio, pangarap pa rin niyang bumuo ng pamilya kasama si Jellie.
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang rebelasyon ni Jellie Aw nang ibahagi niya sa Instagram at Facebook ang kanyang mga larawan kung saan makikita ang kanyang duguan at may pasang mukha. Sa kanyang post, direkta niyang itinuro si Jam Ignacio bilang may kagagawan ng umano'y pananakit sa kanya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bago ang insidente, nagbahagi pa si Jellie ng isang IG story kung saan makikitang nagpapalinis siya ng kuko habang si Jam ay naghihintay sa tabi niya. Ilang sandali lamang ang lumipas, nagbago ang tono ng kanyang mga post. Sa Facebook, ibinahagi niya ang kanyang larawan na duguan ang mukha at nilagyan ito ng caption na, "Magkita tayo sa kulungan," kung saan tinag pa niya si Jam Ignacio.
Kinumpirma rin ng kapatid ni Jellie, si Jo Aw, ang insidente at sinabing ipaglalaban nila ang hustisya para sa kanyang kapatid. Matapos ang pangyayari, nagtungo si Jellie sa ospital upang ipagamot ang tinamong pinsala at nakatakda ring maghain ng pormal na reklamo laban kay Jam.
Ayon sa batas ng Pilipinas, ang pananakit sa kababaihan ay may mabigat na kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Maaaring maharap sa kasong serious physical injuries, attempted h0micide, o kahit h0micide ang sinumang lalaking mananakit sa isang babae, lalo na kung ito ay magdudulot ng matinding pinsala o kamatayan.
Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.
May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.
Naglabas ng pahayag si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano’y pananakit sa kanya ng fiancé na si Jam Ignacio at sinabi niyang kailangan niya munang magpahinga. Ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha at direkta niyang itinuro si Jam bilang responsable sa pangyayari. Nagpahayag ng suporta ang kanyang kapatid na si Jo Aw at tiniyak nilang ipaglalaban ang hustisya para kay Jellie. Nakatakdang maghain si Jellie ng pormal na reklamo laban kay Jam habang patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kanyang susunod na hakbang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh