Rendon Labador, nag-react matapos ipatattoo ng isang netizen ang kanyang mukha

Rendon Labador, nag-react matapos ipatattoo ng isang netizen ang kanyang mukha

- Isang netizen ang nagpa-tattoo ng mukha ni Rendon Labador, na nagdulot ng halo-halong reaksyon mula sa social media personality

- Sa kanyang Facebook post, inamin ni Rendon na hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya sa resulta ng tattoo

- Maraming netizens ang nagbigay ng opinyon, kung saan ang ilan ay nagsabing kahawig niya ito, habang ang iba naman ay nagbiro na mas kamukha ito ng ibang personalidad

- May mga nagsabi na dapat maging masaya si Rendon dahil naging inspirasyon siya sa netizen na nagpatattoo ng kanyang mukha

Nagpahayag ng kanyang saloobin ang social media personality na si Rendon Labador matapos makita ang tattoo ng kanyang mukha na ipinalagay ng isang netizen.

Rendon Labador, nag-react matapos ipatattoo ng isang netizen ang kanyang mukha
Rendon Labador, nag-react matapos ipatattoo ng isang netizen ang kanyang mukha (📷 Rendon Labador | Facebook)
Source: Facebook

Sa isang Facebook post noong Pebrero 16, 2025, inamin ni Rendon na hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa resulta ng tattoo. “First time na may taong nagpa-tattoo sa akin pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis,” ani niya. Sa comment section, pabirong sinabi niya, “Badtrip parang kamukha ni Diwata yung tattoo, haaayyyy. Patulong nga mga bro, sino ba malupit mag-tattoo? Pa-cover up natin to.”

Read also

Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi

Nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post ni Rendon. May mga nagsabing kahawig pa rin niya ang tattoo, habang ang iba naman ay nagsabing mas kamukha ito ng ibang personalidad tulad ni Philmar Alipayo.

May ilan ding nagbiro na mistulang pinagsanib ang mukha ni Rendon at ng isang karakter na tinawag nilang “Diwata.” Sa kabila ng mga opinyon, may ilang netizens ang nagsabi na dapat maging masaya si Rendon dahil nagbigay siya ng inspirasyon sa taong nagpatahi ng tattoo, kahit hindi ito eksaktong kamukha niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay isang social media personality, fitness coach, at motivational speaker sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang matapang at prangkang opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu, lalo na sa larangan ng negosyo, disiplina, at kasipagan. Madalas siyang magbigay ng payo tungkol sa pagiging masipag at determinadong maabot ang tagumpay, ngunit naging kontrobersyal din siya dahil sa kanyang matitinding pahayag laban sa ilang personalidad. Bukod sa pagiging influencer, mayroon din siyang negosyong may kinalaman sa fitness at motivation.

Read also

Xyriel Manabat sa netizen na gustong maging kamukha niya ang anak: "Halaa wag pooo"

Nag-react si Rendon Labador matapos umatras si Rosmar Tan sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng Maynila. Sinabi niyang ipinagmamalaki niya si Rosmar at inaming muntik na itong tumakbo sa politika. Iginiit niya na patuloy na tumutulong si Rosmar kahit wala sa posisyon at kahit walang kamera. Ayon kay Rendon, marami lang talaga ang naiirita kay Rosmar dahil sa kanyang istilo sa social media.

Binatikos ni Rendon Labador si Diwata matapos nitong tanungin kung kailan siya aatras sa kandidatura ng Vendors Party-list sa May 2025 Elections. Ipinahayag ni Rendon ang kanyang pag-aalinlangan sa kakayahan ni Diwata sa pulitika matapos itong maghain ng Certificate of Nomination and Acceptance noong Oktubre 2024. Ipinahayag niya ang suporta sa desisyon ng kanyang kaibigan na si Rosmar Tan na umatras sa pagkandidato bilang konsehal ng Maynila. Ipinunto ni Rendon na mas marami nang natulungan si Rosmar kahit hindi ito tumakbo sa halalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate