Whamos Cruz, pumalag sa bashers; pumayag magpa DNA test kasama ang anak
- Nagpahayag si Whamos Cruz ng kagustuhang magpa-DNA test upang patunayan na siya ang tunay na ama ng kanyang anak na si Baby Meteor
- Binatikos niya ang mga bashers na patuloy na nagdududa sa kanyang pagiging ama at hinamon silang humarap sa legal na aksyon kung mapatunayan ang katotohanan
- Ibinahagi niyang ipinagdasal niya noon na hindi magmana ng kanyang itsura ang anak upang maiwasan ang pang-aalipusta mula sa ibang tao
- Sa kabila ng pambabatikos, sinabi niyang mahal pa rin niya ang kanyang bashers at ipinagdasal niya ang mabuting kapalaran para sa kanila
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi pinalampas ng social media personality na si Whamos Cruz ang patuloy na pang-aalipusta ng ilang netizens tungkol sa pagiging ama niya kay Baby Meteor, ang anak nila ng kanyang partner na si Antonette Gail. Sa isang video na kanyang ibinahagi, inihayag ni Whamos ang kanyang intensyon na magpa-DNA test upang patunayan ang katotohanan.
![Whamos Cruz, pumalag sa bashers; pumayag magpa DNA test kasama ang anak Whamos Cruz, pumalag sa bashers; pumayag magpa DNA test kasama ang anak](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/168d34c110e88f8a.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Ayon kay Whamos, magtatanong sila tungkol sa proseso ng DNA test upang maalis ang anumang pagdududa sa pagiging tunay niyang ama ni Meteor. Gayunpaman, hindi lang simpleng pahayag ang kanyang binitiwan, kundi may kasama rin itong babala sa mga bashers.
"Papalagan kita jan sa DNA basta kapag tugma DNA namin, papakulong kita! Payag ka?" matapang na hamon ni Whamos sa kanyang mga kritiko.
Inamin din niya na bago pa man ipanganak si Baby Meteor, ipinagdasal na niya na hindi ito magmana ng kanyang itsura upang hindi makaranas ng pang-iinsulto mula sa bashers, tulad ng mga natatanggap niyang pangungutya tungkol sa kanyang hitsura.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Swete na lang ako dahil naging gwapo ang anak ko at may maipagmamalaki ako sa tao na kahit gaano man ako kapangit, napakatalino, mabait, at gwapo ng anak ko. At napakaganda naman ng asawa ko, si Antonette Gail," dagdag pa niya.
Sa kabila ng pambabatikos na natatanggap niya, hindi naman nagkimkim ng sama ng loob si Whamos sa kanyang bashers. Sa halip, nagpadala pa ito ng mensahe ng pagpapatawad at mabuting hangarin.
"Good bless sa inyong mga basher, mahal ko pa din kayo kahit lagi niyo akong nilalait sa itsura ko," ani Whamos.
Sa ngayon, hinihintay ng publiko ang susunod na hakbang ng social media star patungkol sa isyu ng DNA test at kung paano ito makakaapekto sa usapin ng mga lumalaban at sumusuporta sa kanya.
Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.
Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette.
![](https://cdn.kami.com.ph/images/360x203/0a310b7ad70756c9.jpeg?v=1)
Read also
Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background
Nagbigay ng masayang silip sa kanilang bagong tirahan ang magkasintahang sina Whamos Cruz at Antonette Gail sa pamamagitan ng isang house tour na kanilang ibinahagi kamakailan. Ayon sa kanila, bagamat kakalipat pa lamang nila, kapansin-pansin na ang kanilang pagpapaganda at pag-aayos ng bahay, kabilang na ang paglalagay ng mga dekorasyong pang-Pasko na mismong si Antonette ang nagdisenyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh