Xander Arizala, nagbahagi ng update sa kanyang dental treatment

Xander Arizala, nagbahagi ng update sa kanyang dental treatment

  • Masaya si Xander Arizala dahil natupad na ang kanyang hiling na dental treatment kaya't ibinahagi niya ito sa social media
  • Humingi siya ng tulong sa Facebook Live at nakiusap sa mga dentista na sana'y matulungan siya sa kanyang dental issues
  • Isang dental clinic ang tumulong sa kanya kaya ngayon ay mas kumpiyansa na siya sa kanyang ngiti at masayang nagpasalamat sa social media
  • Nakilala si Xander bilang dating miyembro ng Hasht5 at sumailalim sa plastic surgery noong 2017 ngunit nasangkot sa iba't ibang kontrobersiya sa mga nakalipas na taon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Masaya at puno ng pasasalamat ang social media personality na si Xander Arizala matapos niyang sumailalim sa dental treatment sa isang klinika. Sa isang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan at ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa dental clinic na tumulong sa kanya.

Xander Arizala, nagbahagi ng update sa kanyang dental treatment
Xander Arizala, nagbahagi ng update sa kanyang dental treatment (PHOTOS: Xander Arizala/Facebook)
Source: Facebook

“SA WAKAS MALAPIT NA DIN AKO MAKAPAG TOOTHBRUSH!” ani Xander sa kanyang post, na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagasuporta.

Read also

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

Kamakailan lamang, lumapit si Xander sa social media upang humingi ng tulong para sa kinakailangan niyang dental procedure. Sa isang Facebook Live session noong Enero 30, inamin niyang matagal na siyang nahihirapan sa kanyang dental issues at umaasa siyang maiintindihan ito ng kanyang mga tagahanga. “NAHIHIRAPAN NA AKONG ITAGO ITO SANA MAINTINDIHAN NYO,” aniya.

Bukod dito, nanawagan din siya sa mga dentista na maaaring makakita ng kanyang post. “SANA MAY MGA DENTISTA DITO MAKAKITA KAHIT SANA MATULUNGAN NYO PO AKO,” pahayag niya. Sa tulong ng isang dental clinic, natupad ang kanyang hiling at ngayon ay unti-unti na siyang bumabalik sa kanyang kumpiyansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan lamang, nag-live session si Xander sa Facebook at humingi ng tulong mula sa mga netizens upang mai-konek siya sa isang dentista na handang tumulong ng libre. Inamin niyang malayo na sa kanyang kakayahan ang mga paggamot tulad ng veneers at dental jackets.

Read also

Labi ni Barbie Hsu, ipapa-cremate sa Japan bago iuwi sa Taiwan

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya, tila isang bagong simula ang hatid ng kanyang dental treatment para kay Xander, at inaasahan niyang makakabangon muli nang may bagong kumpiyansa sa sarili.

Si Xander Arizala ay isang kilalang social media personality at dating miyembro ng parody boy band na Hasht5. Una siyang sumikat noong 2015 dahil sa kanyang viral videos, ngunit nakaranas din ng matinding online bullying dahil sa kanyang itsura. Noong 2017, sumailalim siya sa plastic surgery at nag-rebrand bilang “Xander Ford,” na naging tampok sa iba't ibang balita at palabas sa telebisyon tulad ng Rated K at Home Sweetie Home.

Gayunpaman, nasangkot din siya sa ilang kontrobersiya, kabilang ang akusasyon noong 2017 na nilait niya si Kathryn Bernardo, na nagdulot ng matinding backlash mula sa publiko. Kalaunan ay inamin niya ang ginawa ngunit sinabing bahagi iyon ng kanyang nakaraan. Sa parehong taon, nagsampa rin siya ng reklamo laban sa cyberbullying.

Read also

Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa

Noong 2020, inakusahan siya ng dati niyang kasintahan ng pang-aabuso, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto dahil sa kasong may kaugnayan sa violence against women. Gayunpaman, nakalaya siya matapos magpiyansa at noong 2021, sinabi niyang naayos na ang kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: