Pinay tourist sa Taiwan, kinailangang maoperahan matapos mahagip ng tren

Pinay tourist sa Taiwan, kinailangang maoperahan matapos mahagip ng tren

  • Isang Pilipinang turista ang nasangkot sa aksidente matapos mahagip ng tren sa Shifen Sky Lantern Old Street sa Taiwan ang kanyang kamay at nangangailangan ng operasyon
  • Ayon sa MECO, naglalakad ang Pilipina sa railway area at sumama sa isang tour group sa bahagi ng kanyang biyahe
  • Stable at conscious ang biktima ngunit kailangang sumailalim sa operasyon dahil sa tinamong pinsala
  • Nakikipag-ugnayan ang MECO sa travel agency ng biktima upang masagot ang gastusin sa kanyang pagpapagamot gamit ang insurance

Isang Pilipinang turista ang nangangailangan ng operasyon matapos mahagip ng tren sa Shifen Sky Lantern Old Street sa Taiwan ang kanyang kamay. Ayon sa pahayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) nitong Martes, naglalakad ang Pilipina sa lugar na kilala sa mga lokal na pagkain, souvenir shops, at railway nang mangyari ang insidente.

Pinay tourist sa Taiwan, kinailangang maoperahan matapos mahagip ng tren
Pinay tourist sa Taiwan, kinailangang maoperahan matapos mahagip ng tren (AndyLeungHK on Pixabay)
Source: Facebook

Bagamat naglalakbay siyang mag-isa, sumama siya sa isang tour group sa bahagi ng kanyang biyahe.

Read also

Magsasakang nawala ng dalawang araw, natagpuang pugot ang ulo

“Nainform na din kaanak niya. Stable at conscious naman siya ngunit kailangang sumailalim sa operasyon dahil sa tinamong mga pinsala,” ani Garafil.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan ang MECO sa travel agency ng biktima, na sasagot sa gastusin sa kanyang pagpapagamot gamit ang insurance nito.

Samantala, patuloy na binabantayan ng mga opisyal ang kalagayan ng Pilipina upang matiyak ang kanyang kaligtasan at agarang paggaling. Ang insidente ay nagsilbing paalala sa mga turista na maging maingat, lalo na sa mga lugar na may railway tracks.

Ang Shifen Sky Lantern Old Street ay isa sa mga pinakasikat na tourist destinations sa Taiwan na matatagpuan sa distrito ng Pingxi, New Taipei City. Kilala ito hindi lamang sa makulay nitong tradisyon ng pagpapalipad ng mga lantern kundi pati na rin sa kakaibang karanasan ng pamumuhay sa paligid ng lumang railway tracks.

Kabilang sa mga sikat na artistang nagtungko doon kamakailan ay aang pamilya nina Sylvia Sanchez kasama ang asawa ng kanyang mga anak. Makikita ang pagpapalipad nila ng lantern kung saanbinigyan halaga nila ang pamilya.

Read also

Lola, natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng musoleo sa Sorsogon

Para sa pagdiriwang ng 2025, si Mariel at Robin Padilla ay lumipad patungong Taiwan kasama ang kanilang dalawang napakagandang anak.Marami ang natuwa nang makita rin ang iba pang mga anak ni Robin, kabilang na si Kylie Padilla, na kasama sa nasabing bakasyon.Bukod dito, sumama rin ang kapatid ni Robin na si BB Gandanghari sa kanilang masayang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: