Nagpakilalang security guard sa viral video kasama ang Sampaguita vendor, nagpaliwanag
- Nagpaliwanag ang nagpakilalang security guard na sangkot sa viral na insidente sa pagitan niya at ng Sampaguita vendor at sinabing sinusunod lang niya ang kanyang tungkulin
- Inakusahan ng guwardiya ang pamilya ng vendor na hindi umano responsable sa pagpapabaya sa kanilang anak na nagtitinda sa lansangan
- Humingi ng paumanhin ang Sampaguita vendor at sinabi niyang hindi niya ginusto na mawalan ng trabaho ang guwardiya
- Ipinaliwanag ng vendor ang kanyang sitwasyon at inilahad ang takot niya sa posibleng paghihiganti ng security guard
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay na ng pahayag ang lalaking nagpakilalang security guard na sangkot sa viral na insidente sa pagitan niya at ng isang Sampaguita vendor.
Sa isang video, makikita ang guwardiya na nakasuot ng kanyang security uniform at cap, ipinaliwanag ang kanyang panig sa nangyari. Ayon sa kanya, hindi naging kooperatibo ang vendor bago pa man nagsimula ang pag-record ng video. Aniya, “Sinusunod ko lang po ‘yung trabaho ko bilang isang security guard.”
Tinalakay din ng guwardiya ang kanyang mensahe sa pamilya ng vendor, sinasabing responsableng magulang ang hindi papayag na magtinda ang kanilang anak sa lansangan at magkunwaring estudyante. “Kung magulang po kayo sana ay nagpaka-magulang po kayo, hindi niyo sana pinapayagan ‘yung anak niyo na nagtitinda kung saan-saan,” ani pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw rin ng guwardiya na wala siyang intensyon na saktan ang vendor. “Nakulitan na po ako sa kanya, bilang pagsunod ko sa trabaho ko, bilang pagsunod ko sa nakakataas sakin sinaway ko ‘yung bata pero ayaw pong magpasaway. Hindi ko po talaga ginusto ‘yung nangyari,” paliwanag niya.
Ikinuwento rin niya ang naging pagtanggi ng vendor na umalis kahit ilang beses niya itong pinaalalahanan. “Ilang beses ko ng sinabi na umalis, pero ayaw niyang umalis. Tapos nong paghugot ko ng Sampaguita, nasira, tapos pinaghahampas na ako sa mukha. Sino pong matutuwa sa ganon?” dagdag pa niya.
Binigyang-diin niya na ang kanyang mga aksyon ay ayon lamang sa kanyang tungkulin bilang security guard. “Kami bilang security, sumusunod lang po kami sa utos kasi ‘yun po ang trabaho namin, doon po kami sumusweldo,” aniya.
Samantala, humingi ng paumanhin ang 22-anyos na Sampaguita vendor na naging sentro ng insidente. Ayon sa kanya, hindi niya ginusto na mawalan ng trabaho ang guwardiya. Pinabulaanan niya ang mga paratang ng maling gawain, ipinaliwanag ang kanyang sitwasyon, at inilahad ang takot sa posibleng paghihiganti ng security guard.
Matatandaang lumikha ng ingay ang video ng binansagang 'Sampaguita girl' matapos siyang paalisin ng security guard sa harap ng isang mall.
Matatandaang agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang SM Megamall matapos na umani ng kabi-kabilang reaksyon ang viral video kung saan makikita ang umano'y pagpapalayas ng isang security guard sa batang babae na 'di umano'y naglalako ng Sampaguita.
Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh