Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan umano ng ulo ang sariling ama

Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan umano ng ulo ang sariling ama

  • Kinumpirma ng Tagum City Police Station ang insidente ng pananaksak sa Purok 1A-Gapas, Brgy. Madaum, Tagum City
  • Inaresto ang suspek na anak umano ng biktima matapos ang insidente noong Enero 19, 2025
  • Natagpuan ang patay na katawan ng lalaki na wala nang ulo at may sugat sa katawan
  • Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng pagtatalo sa bahay ng biktima bago ang krimen at narekober ang mga gamit na ginamit sa pananaksak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng Tagum City Police Station ang insidente ng krimen na naganap sa Purok 1A-Gapas, Brgy. Madaum, Tagum City, Davao del Norte. Ayon sa press release ng Tagum City Police, nadakip nila ang suspek na anak umano ng biktima nitong Linggo ng umaga, Enero 19, 2025.

Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan umano ng ulo ang sariling ama
Lalaking may sakit umano sa pag-iisip, pinugutan umano ng ulo ang sariling ama (PHOTOS: Pixabay, Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Batay sa imbestigasyon ng Investigation and Detective Management Section ng Tagum Police, nakatanggap ang opisina ng ulat ukol sa insidente ng pananaksak sa naturang lugar. Agad na tumugon ang mga pulis at nang makarating sa crime scene, natagpuan nila ang patay na katawan ng isang lalaki na wala na umanong ulo, at may mga sugat din sa katawan pati na rin ang ilang lumabas na laman-loob.

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon umano ng pagtatalo sa bahay ng biktima bago nangyari ang krimen. Narekober sa crime scene ang mga gamit na ginamit sa pananaksak, kabilang na ang isang bolo, martilyo, at pala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek na may iniindang sakit sa pag-iisip at nahaharap sa kasong parricide.

Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.

Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.

Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate