Sampaguita girl, may mensahe sa guwardiyang nanita umano sa kanya
- May mensahe umano ang viral na sampaguita girl sa guwardiyang nanita sa kanya
- Aminado itong nagalit sa nagawa umano sa kanya ng guwardiya
- Aniya, huminto na muna siya sa paglalako ng sampaguita dahil umano sa trauma at bashing na kanyang natatamo
- Kamakailan, agaw-eksena sa social media ang video ng paninita ng sekyu sa isang sampaguita girl sa SM Megamall
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pagsisisi ang 22-anyos na tindera ng sampaguita na naging viral matapos ang insidente ng pilit na pagpapaalis sa kanya ng isang guwardiya ng SM Megamall kamakailan.
Sa panayam ng ABS-CBN, nais umanong humingi ng tawad sa guwardiya at ipinahayag na hindi niya nais na mawalan ito ng trabaho.
"Gusto ko po humingi ng sorry sa kanya, and at the same time hindi ko po ginusto na matanggal siya sa trabaho," pahayag ng 1st year medtech student na nagagawa umanong maglako upang may maipantustos sa kanyang pag-aaral.
Sa ngayon, hindi na muli siya naglalako ng sampaguita dahil umano sa trauma sa nangyari at bashing na kanyang natatamo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, siya rin mismo ang nagsabing walang katotohanan na siya ay miyembro ng isang sindikato na akusasyon ng marami dahil sa pagsusuot ng dating Senior High School uniform.
"Nagsusuot po ako ng uniform kasi para maging disente po sa harap ng tao at hindi po pagpapanggap yun at totoo naman po akong nag-aaral," paglilinaw ni Sampaguita girl.
Matatandaang mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya. Makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang babaeng suot ang school uniform at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita. Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.
Tila nanlaban ang estudyante at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.
Samantala, isang security guard naman ang nagawang makipagbarilan sa limang magnanakaw. Binawian ng buhay ang lider ng grupo. Mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh