Xian Gaza sa SM viral video: "Ang hirap maging mahirap kasi unfair sayo ang mundo"
- Nagpahayag si Xian Gaza ng saloobin tungkol sa viral video ng batang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa SM
- Binatikos niya ang sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga bata at nagdudulot ng kawalan ng oportunidad sa mahihirap
- Hinimok niya ang mga magulang na huwag mag-anak nang hindi handang tustusan ang mga ito upang maiwasan ang siklo ng kahirapan
- Nagpakita siya ng simpatya sa security guard at nanalangin para sa kanyang pag-ahon mula sa kahirapan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.
Sa kanyang post, mariing ipinahayag ni Gaza ang kanyang pagkadismaya sa sistema ng lipunan at sa hirap ng buhay na dinaranas ng mga bata sa lansangan. Ani niya, "Ang hirap maging mahirap kasi unfair sayo ang mundo. Yan ang masakit na realidad."
Inilahad din niya ang realidad na kinakaharap ng mga bata na sa murang edad ay kinakailangang maghanapbuhay para masuportahan ang kanilang pag-aaral. "Naghahanapbuhay ka sa murang edad para may pantustos ka sa pag-aaral mo tapos sisirain lang yung paninda mo. Saan ka kukuha ngayon ng kapital para bukas?" tanong niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pinuna rin ni Gaza ang ugat ng problema, kabilang na ang pagpapamilya ng mga magulang nang hindi handang tustusan ang kanilang mga anak. Dagdag pa niya, "Kaya sana eh huwag po tayong mag-anak ng mag-anak if we are not financially capable. Huwag nating ipamana sa mga anak natin yung sumpa ng kahirapan thinking na sila ang mag-aahon sa atin."
Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng saloobin para sa security guard na nakuhanan sa video. Aniya, "Para naman kay Manong Guard, kung makarating man sayo ito, Manong... I pray na sana ay makaahon ka na rin sa miserableng buhay. Ramdam ko na pagod na pagod ka na rin. Kaya mo nga yan nagawa eh. Repleksyon yan ng buhay na mayroon ka. God bless you both."
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post ni Gaza. Marami ang pumuri sa kanyang mensahe habang ang ilan naman ay binigyang-diin ang pangangailangan ng mas maayos na sistema upang tugunan ang ganitong sitwasyon.
Ang viral video na ito ay muling nagpaalala sa publiko tungkol sa matinding kahirapan at ang epekto nito sa mga bata na maagang namumulat sa hirap ng buhay.
Samantala, naglabas na ng pahayag ang SM Megamall kaugnay sa isyu.
Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.
Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.
Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh