Vilma Pila, lumapit sa RTIA para sa hustisya sa pagkamatay ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančic

Vilma Pila, lumapit sa RTIA para sa hustisya sa pagkamatay ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančic

  • Lumapit si Vilma Pila sa Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Marvil Facturan-Kocjančič na pinatay ng asawang Slovenian na si Mitja noong Disyembre 29, 2024
  • Nais din ni Vilma na maiuwi agad ang mga labi ni Marvil mula Slovenia pabalik sa Pilipinas
  • Kinumpirma ng DFA na iniimbestigahan na ang insidente at kasalukuyang nasa mental facility si Mitja habang pinoproseso ang kaso laban sa kanya
  • Maghahain si Senador Raffy Tulfo ng panukalang resolusyon para gawing mandatory ang neuro-psychiatric at drug testing para sa mga dayuhan bago sila mabigyan ng permit na magpakasal sa Pilipino

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action si Vilma Pila upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Marvil Facturan-Kocjančič, na nasawi sa kamay ng Slovenian husband nito na si Mitja noong Disyembre 29, 2024. Bukod dito, nais din ni Nanay Vilma na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang anak mula Slovenia sa lalong madaling panahon.

Read also

Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma

Vilma Pila, lumapit sa RTIA para sa hustisya sa pagkamatay ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančic
Vilma Pila, lumapit sa RTIA para sa hustisya sa pagkamatay ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančic (Raffy Tulo in Action/YouTube)
Source: Youtube

Ayon sa salaysay ni Nanay Vilma, Pebrero 2024 nang magkakilala ang mag-asawa sa social media. Dumalaw si Mitja sa Pilipinas noong Hulyo 11 at matapos ang limang buwan ng relasyon ay nagpakasal sila sa Silang, Cavite. Noong Disyembre 22, 2024, bumiyahe si Marvil patungong Slovenia upang manirahan kasama ang kanyang asawa. Subalit, sa huling social media post ni Marvil ilang oras bago siya pinatay, napansin ng kanyang mga kaibigan at pamilya ang tila masalimuot na sitwasyon ng kanilang pagsasama.

Sa panayam, kinumpirma ni DFA Usec. Eduardo de Vega na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Slovenia ang insidente. Si Mitja, ang pangunahing suspek, ay nasa kustodiya ng isang mental facility habang isinasagawa ang legal na proseso laban sa kanya. Batay sa ulat, may kasaysayan ng mental illness si Mitja. Gayunpaman, kung mapapatunayang nasa tamang katinuan siya nang maganap ang krimen, maaari siyang hatulan ng kasong murder.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Cristy kay Darryl Yap: "Ano ang motibo mo at sino ang producer mo?"

Dagdag pa ni de Vega, ang mga kinakailangang papeles para sa repatriation ng mga labi ni Marvil ay naiproseso na. Tiniyak niya na sa loob ng 5-7 araw, maibabalik na ito sa Pilipinas.

Samantala, inanunsyo ni Sen. Raffy Tulfo na maghahain siya ng Senate Resolution upang pag-aralan ang posibleng pagrebisa sa Family Code of the Philippines. Layunin nito na isailalim sa mandatory neuro-psychiatric exam at drug testing ang lahat ng dayuhang nais magpakasal sa mga Pilipino. Suportado ni Usec. de Vega ang panukalang ito upang maprotektahan ang mga kababayan sa posibleng panganib ng pakikipagrelasyon sa mga dayuhang may isyu sa mental na kalusugan.

Ang trahedya ng pamilya Facturan-Kocjančič ay nananatiling isang paalala na mahalagang suriin ang kalagayan ng mental at emosyonal na katinuan sa anumang relasyon, lalo na sa mga kasalang may kinalaman sa mga dayuhan.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang Pilipina umano ang pinatay ng kanyang Slovenian na asawa ilang araw lamang matapos ang Pasko. Kinondena ng Commission on Filipino Overseas (CFO) ang pagpaslang sa Pilipina.Ang biktima ay si Marvil Facturan-Kocjančič, 27 taong gulang. Sinasabing nagbabakasyon ang mag-asawa sa resort town ng Bled noong Disyembre 29.

Read also

Mura at ama, sumailalim sa medical check-up at nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation

Isang video na nagpapakita sa Slovenian na suspek at sa kanyang asawang Pilipina habang masayang nag-eenjoy sa kanilang road trip bago umano niya ito bugbugin hanggang sa mamatay ang naging usap-usapan online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate