Mga bokalista ng Aegis, naiyak nang muling kantahin ang "Luha" na awitin ni Mercy

Mga bokalista ng Aegis, naiyak nang muling kantahin ang "Luha" na awitin ni Mercy

- Naluha ang iba pang bokalista ng Aegis na sina Juliet at Ken Sunot nang subkang kantahin ang 'Luha'

- Ani Juliet, kanta umano ito ng namayapang bokalista rin ng banda na si Mercy Sunot

- Lubhang mahirap kantahin ito, dahil sa kanilang pighati sa pagkawala ng kanilang kapatid

- Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Mercy na nagawa pang manawagan sa publiko matapos ang kanyang operasyon subalit di nagtagal at pumanaw na rin siya

Hindi na halos nakakanta sina Ken at Juliet Sunot ng awiting 'Luha' sa isa nilang gig sa Oriental Mindoro matapos ang pagpanaw ng kanilang kapatid at kabandang si Mercy Sunot.

Mga bokalista ng Aegis, naiyak nang muling kantahin ang "Luha" na awitin ni Mercy
Mga bokalista ng Aegis, naiyak nang muling kantahin ang "Luha" na awitin ni Mercy (Mercy Sunot)
Source: Facebook

Bago magsimula, sinabi pa ni Juliet na kanta umano nit Mercy ang awitin.

Subalit, hindi na nito napigilan ang maluha, dahilan para hindi na rin masimulan ang kanta.

Maging ang isa pa nilang kapatid na si Ken ay kumuha na rin ng tissue upang punasan ang kanyang luha at ipinaubaya na sa kanilang manonood ang pag-awit.

Read also

Miss Glenda, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mapapansin din sa video na maging ang ilang mga nanonood ay naging emosyonal habang kinakanta ang ang awiting sadyang nakalaan para kay Mercy.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng TikTok user na si DJ Yokochang:

Si Mercy Sunot ay isa sa mga pangunahing bokalista ng Aegis, isang bandang kilala sa kanilang mga makapangyarihang awit at tinig. Ang Aegis ay isa sa mga pinakapopular na rock band sa Pilipinas, na nakilala sa mga kantang tulad ng "Halik," "Sinta," at "Luha." Sa loob ng mahigit dalawang dekada, napanatili nila ang kanilang popularidad at naging bahagi ng maraming henerasyon ng mga musikang Pilipino.

Matapos na maglabas ng kanyang video kung saan nanawagan pa si Mercy ng dasal sa mabilisan niya sanang paggaling matapos na maoperahan, pumanaw na rin ito noong Nobyembre 18.

Samantala, tulad ng Aegis, isa rin ang Side A sa mga kilala at respetadong banda sa Pilipinas. Kamakailan ay naging usap-usapan ang pahayag ni Joey Generoso, ang dating bokalista ng banda kung saan nasabi nitong hindi na siya pinahintulutan ng writer at dating kabanda na si Joey Benin na kantahin ang 'Forevermore.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: