Joey Generoso, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer

Joey Generoso, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer

- Binawalan umano si Joey Generoso na kantahin ang awiting 'Forevermore' ng Side A

- Matatandaang si "Joey G" ang orihinal na bokalista ng Side A

- Ayon sa panayam kay Joey, binawalan umano siya ng composer ng naturang awitin

- Kaugnay nito, nais ni Joey na makausap ang composer at linawing hindi umano siya galit

Tila hindi na maririnig na muli sa live shows si Joey Generoso ang awiting 'Forevermore' ng dati niyang banda na Side A.

Joey Generoso, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer
Joey Generoso, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer (Joey G Official)
Source: Facebook

Ito ay matapos na bawalan umano siyang kantahin ang nasabing awitin ng composer ng naturang kanta.

Isa ito sa mga isyung napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz Update channel.

Sa isa umanong video ng show ni ni "Joey G" at Noel Cabangon sa Amerika, naggitara lamang si Joey sa pamosong kanta na inaasahan ng marami na maririnig nila nang 'live.'

Read also

Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Bilang pagsunod, hindi niya kinanta. Pero si Medwin ng True Faith na nanonood that time ay umakyat para kantahin yan kasama si Noel Cabangon. Habang si Joey Generoso na siyang umawit niyan e nagigitara lang," ani Ogie Diaz.

Ayon kay Mama Loi, pinagbawalan umano si Joey Generoso ni Joey Benin, ang dati niyang kabanda at bahista ng Side A na siyang composer ng naturang awitin.

Sinasabing mayroon ding USA tour ang Side A na halos kasabayan din ng mga shows sa Amerika nina Joey G at Noel Cabangon.

Ang hindi sigurado umano ay kung doon lamang sa mga USA shows nila na kasabay halos umano ng Side A pinagbawalan si Joey G, o sa kasamaang palad ay hindi na siya umano pahihintultan na kantahin ito kahit kailan.

"Kung ako naman sana hindi na pinagbabawalan kaya lang kasi nagiging ano yan di ba, flagship ni Joey Generoso 'yang kanta na 'yan kasi talagang pag nakikita siya, alam ng mga tao na yun ang kakantahin niya. E kaya lang, yun nga nangyari," pagbibigay ipinyon ni Ogie.

Read also

Nora Aunor, dinala kay Boss Toyo ang damit niya nung manalo siya sa Tawag ng Tanghalan

Sinasabing nakanta pa umano ito ni Joey G sa show nila sa Los Angeles. Subalit matapos ito, doon siya nakatanggap ng mensahe mula sa composer.

Samantala, sa panayam ng Abante, nais umanong makausap ni Joey G si Joey B kaugnay nito. Aniya, nais din niyang pasalamatan ang dating kabanda sa awiting matagal din niyang kinakanta kahit hindi na siya bahagi ng grupo.

"Kung papayag siya, we need to talk. The composer and me. Hindi ako galit ha. Kilala ko si Joey. Mabait siyang tao," ani Joey G.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga maiinit na usaping natalakay sa kanyang Showbiz Update channel ay ang tungkol sa pinaniniwalaan niya umanong patuloy na pagtulong ng tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin. Ito ay dahil umano sa paghahanap ng publiko kay Angel na palagi umanong nakikita noon na tumutulong sa mga kababayan nating nasasalanta ng anumang sakuna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: