Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

- Nagbigay ng ilang detalye si Ogie Diaz tungkol kay Angel Locsin ayon sa kanyang source

- Ito ay matapos na hanapin umano ng publiko ang tinaguriang 'real life Darna'

- Matatandaang sa mga panahon ng sakuna tulad ng katatapos lang na pananalasa ng Bagyong Kristine, present lagi si Angel sa pagtulong

- Gayunpaman, isa si Ogie sa mga naniniwalang patuloy ang pagtulong ni Angel kahit hindi ito nakikita sa publiko

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa October 27 episode nila ng Showbiz Update ay ang tungkol sa paghahanap umano ng publiko sa tinaguriang "real life Darna" na si Angel Locsin.

Ogie D sa mga naghahanap kay Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"
Ogie D sa mga naghahanap kay Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel" (Team Angel PH)
Source: Facebook

Tila na-miss ng marami si Angel sa mga relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Kristine kung saan lagi itong present noon.

Gayunpaman, isa si Ogie sa mga naniniwalang patuloy ang pagtulong ni Angel kahit hindi ito nakikita sa publiko.

Read also

Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family

"Maaring hindi physically present sa panahon ng kalamidad si Angel. Hindi natin alam baka nagpailalim nagbigay din siya. Lalo na nababalitaan niya si Ma'am Leni e nanawagan ng tulong 'di ba? I'm sure nakasuporta din diyan si Angel," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lalo na at nabalitaan din nitong nasa kanilang tahanan lamang si Angel na ilang taon ding hindi nagpaparamdam sa kanyang social media.

"As per my source, asa bahay lang si Angel. Siya'y dinadalaw ng mga kaibigan niya. Alam ko ha, dinadalaw si Angel sa bahay."

Gayunpaman, patuloy pa rin naman daw umano itong kumikita dahil sa kanyang mga negosyo kahit hindi na aktibo sa showbiz.

"Kumikita rin si Angel kahit nasa bahay. At bukod diyan, gamer din si Angel. I'm sure no, hindi lang nila alam kung sino doon si Angel kasi gumagamit ng other o username."

Read also

Pinoy Frankenstein Raul Dillo, emosyonal na nagpasalamat sa It's Showtime

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin. Pinili muna ni Angel na magpahinga sa social media at wala rin umano sa kanyang mga kaibigan ang naglalabas ng kanyang larawan hanggang ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica