Mark Andrew Yulo, nagpasalamat sa coach at suporta sa pagsasanay ng mga anak
- Nagpasalamat si Mark Andrew Yulo sa mga coach ng kanyang mga anak na sina Carlos at Eldrew Yulo para sa kanilang dedikasyon at pagsuporta sa training ng mga bata
- Ipinahayag ni Yulo ang kanyang pagpapahalaga kay Coach Mune mula Japan at Coach Reyland Yuson Capellan mula Pilipinas na tumutulong sa paghubog sa kanyang mga anak
- Nagbigay din ng pasasalamat si Yulo kay Chavit Singson sa pinansyal na suporta para sa pagsasanay at kompetisyon nina Ysa at Drew
- Inaasahan ni Yulo na magiging Olimpian ang kanyang anak na si Eldrew at nagpapasalamat sa kabutihan ng mga tumutulong sa kanilang pag-abot sa pangarap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Buong pusong nagpasalamat si Mark Andrew Yulo sa mga coach ng kanyang mga anak na sina Ysa at Eldrew Yulo sa kanilang patuloy na suporta at paggabay sa mga bata. Sa kanyang mensahe sa social media, binigyang-diin ni Yulo ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Coach Mune mula sa Japan at Coach Reyland Yuson Capellan mula sa Pilipinas, na nagsilbing mahalagang bahagi ng training at tagumpay ng kanyang mga anak.
Inihayag niya ang kanyang pag-asa na magiging Olimpian si Eldrew Yulo at nagpapasalamat sa pagkakaroon ng mga mabubuting mentor na gaya ni Coach Mune, na itinuring ni Yulo na mabait at maalaga sa kanyang mga anak. Ipinahayag pa niya ang kanyang pagmamahal sa Japan, kung saan patuloy na natututo at sumasailalim sa training sina Eldrew at Carlos.
Bukod sa mga coach, nagpasalamat din si Yulo kay Chavit Singson para sa suportang pinansyal na ibinibigay nito sa pagsasanay at kompetisyon nina Ysa at Drew. Ipinahayag ni Yulo ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kabutihang ipinapakita ni Singson sa kanyang mga anak, na may malaking ambag sa kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap sa larangan ng gymnastics.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh