Lalaking namatayan ng 6 na kaanak, humiling ng tulong

Lalaking namatayan ng 6 na kaanak, humiling ng tulong

- Nananawagan ang isang kaanak ng mga nasawi sa landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas na maiuwi sa Masbate ang mga labi ng kanyang mga kapamilya

- Anim sa kanyang kaanak ang pumanaw matapos matabunan ng lupa dahil sa pag-ulang dulot ng Bagyong Kristine, kabilang ang limang pamangkin at isang kapatid

- Isa sa mga nasawi ay ang dalawang-buwang sanggol na hindi na naisalba sa trahedya

- Ayon sa kaanak, uuwi sana ang kanyang pamilya sa Masbate sa Oktubre 28 ngunit uuwi silang wala nang buhay

Isang kaanak ng anim na nasawi sa landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas ang nag-aapela na maiuwi ang mga labi ng kanyang pamilya sa Masbate matapos ang trahedyang dulot ng malakas na pag-ulan na hatid ng Bagyong Kristine.

Lalaking namatayan ng 6 na kaanak, humiling ng tulong
Lalaking namatayan ng 6 na kaanak, humiling ng tulong
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag sa panayam ng ABS-CBN News, ikinuwento ng kaanak na kabilang sa mga nasawi ang kanyang kapatid at limang pamangkin, kabilang ang dalawang-buwang gulang na sanggol, na hindi na nagawang makaligtas mula sa biglaang pagguho ng lupa.

Read also

Lolo, niligtas ang pamilya ngunit nasawi nang mapulikat at hindi na makalangoy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inilahad ng kaanak na kung hindi nangyari ang insidente, uuwi sana ang kanyang mga kamag-anak sa Masbate sa darating na Oktubre 28. Ngunit dahil sa trahedya, ang muling pagsasama-sama ng pamilya ay magaganap na sa ilalim ng malungkot na kalagayan, sa pag-uwi ng mga labi ng kanyang mahal sa buhay para mabigyan sila ng maayos na libing. Ang kalunos-lunos na pangyayari ay nag-iwan ng malalim na pagdadalamhati sa kanilang pamilya at nagdala ng panawagan sa publiko at mga kinauukulan upang matulungan silang maiuwi ang mga labi sa Masbate.

Umaasa ang pamilya na ang kanilang panawagan ay magbubukas ng tulong mula sa mga ahensiya o indibidwal na handang magbigay ng suporta para maisakatuparan ang kanilang hiling na makapiling ang kanilang mga mahal na sa kanilang huling hantungan.

Read also

Madam Kilay, nang-real talk: "Yung nag brag ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo"

Matatandaang nanawagan ang Bicol RDRRMC matapos na umano'y hindi kayanin ang pag-rescue sa nga humihingi ng tulong. Dahil sa bagyong Kristine, hindi mapigil ang pagtaas ng tubig partikular na sa na sa Bicol Region. Kabi-kabilang update ang makikita kung saan may ilang mga na-stranded pa sa bus at inabot na ng baha.

Sapul sa isang video ang paghingi ng tulong ng ilang residente sa Albay. Ito ay dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tubig baha sa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Isa ang Albay sa Bicol region na nakararanas ng matinding hagupit ni Kristine. Patuloy ang paghingi ng anumang klaseng tulong ang nasabing rehiyon na karamihan ng lugar ay lampas tao pa rin ang baha.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate