Madam Kilay, nang-real talk: "Yung nag brag ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo"

Madam Kilay, nang-real talk: "Yung nag brag ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo"

- Naglabas si Madam Kilay ng mensahe laban sa isang personalidad na aniya’y nagyabang sa gitna ng bagyo

- Pinuna niya ang pagyayabang tungkol sa komportableng buhay habang maraming tao ang naapektuhan ng Bagyong Kristine

- Nabanggit din ni Madam Kilay na mas maiging tahimik na lamang ang pagtulong sa nasalanta

- Ipinunto niya ang pagiging sensitibo sa mga pinagdadaanan ng iba sa panahon ng sakuna

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng saloobin si Madam Kilay sa social media kaugnay ng isang personalidad na aniya’y nagyabang pa sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Sa kanyang post, diretsahang sinabi ni Madam Kilay, “Yung nag-BRAG ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo, tapos yung iba nanganganib ang buhay dahil sa bagyo.”

Madam Kilay, nang-real talk: "Yung nag brag ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo"
Madam Kilay, nang-real talk: "Yung nag brag ka pa na ang sarap ng tinutulugan mo"
Source: Instagram

Sa kasagsagan ng malakas na bagyo, maraming netizens ang nasaktan sa tila insensitive na post ng nasabing personalidad. Ayon kay Madam Kilay, hindi na kinakailangang ipagmayabang ang pagiging komportable ng buhay kung ang iba ay nahaharap sa peligro at kalamidad.

Read also

Residente sa Albay, dinig ang iyak at sigaw ng tulong sa pananalasa ni Kristine

Bukod dito, pinuna din ni Madam Kilay ang paraan ng pagpost ng naturang tao ukol sa pagbibigay ng tulong pinansyal. Mungkahi niya, mas mainam sana kung tahimik na lamang itong ginawa at dumirekta na lamang sa mga nasalanta sa pamamagitan ng kanilang team upang makatulong nang hindi na kailangang ipangalandakan ang kanyang yaman at komportableng kalagayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang video, muling iginiit ni Madam Kilay ang kahalagahan ng pagiging sensitibo sa panahon ng trahedya.

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang aktwal na video ng panganganak niya sa panganay nila ng partner niyang si Michael. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay. Lalo pa itong naging emosyonal nang sa wakas ay nakalabas na ang kanilang Baby na pinangalanan nilang Morty Solaire Deck. Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa na hindi maitago ang saya na makasama na nila ang kanilang Baby Lakas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate