Tito Mars, nagsalita kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa Greys Family

Tito Mars, nagsalita kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa Greys Family

- Naglabas ng saloobin si Tito Mars matapos i-post ni Christian Merck Grey na tinanggal na siya sa Greys Family

- Kinumpirma niyang inalis na daw siya ni Grey dahil aniya ay bumaba ang views nang pumasok siya at marami ang nagkomento at humiling na tanggalin siya

- Ani Tito Mars, masaya siya sa nangyari dahil binayaran siya ni Merck dahil nasa kontrata nila na hindi sila pwedeng tanggalin hangga't hindi sila umabot ng isang taon

- Dagdag pa ni Tito Mars, galit na galit sa kanya ang mga viewers gayong nagpapakita lang naman siya ng kanyang totoong ugali

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng saloobin si Tito Mars matapos ang kontrobersyal na anunsyo ni Christian Merck Grey na tinanggal na siya sa The Greys Family. Kinumpirma ni Tito Mars na inalis siya mula sa grupo, at ayon sa kanya, ang dahilan ay ang pagbaba ng views simula nang pumasok siya. Marami umano ang nagkomento at humiling na tanggalin siya sa grupo.

Read also

Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family

Tito Mars, nagsalita kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa Greys Family
Tito Mars, nagsalita kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa Greys Family
Source: Facebook

Sa kabila ng sitwasyon, ipinahayag ni Tito Mars na masaya siya sa kinalabasan dahil binayaran siya ni Merck bilang bahagi ng kanilang kasunduang kontraktwal. Ayon sa kanya, nakasaad sa kanilang kontrata na hindi sila maaaring tanggalin nang hindi natatapos ang isang taong termino.

Dagdag pa ni Tito Mars, hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit sa kanya ang mga viewers, gayong ipinapakita lamang niya ang kanyang totoong ugali. Sa kabila nito, tanggap na raw niya ang nangyari at nagpapasalamat pa rin siya sa naging karanasan niya sa The Greys Family.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Read also

Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate