Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family

Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family

- Tinanggal ni Christian Merck Grey si Tito Mars mula sa The Greys Family matapos ang pagbabayad ng 1 milyong piso para sa pagwawakas ng kontrata

- Inanunsyo ni Merck sa social media na wala na silang koneksyon sa anumang aksyon ni Tito Mars

- Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Merck tungkol sa dahilan ng pagtanggal kay Tito Mars

- Umani ng atensyon ang balita mula sa kanilang mga tagasubaybay online

Sa isang kontrobersyal na anunsyo, kinumpirma ni Christian Merck Grey na hindi na bahagi ng The Greys Family si Tito Mars. Ayon sa pahayag ni Merck na inilathala sa social media, ibinunyag niyang binayaran niya si Tito Mars ng 1 milyong piso bilang kabayaran para sa pagwawakas ng kontrata nito.

Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family
Tito Mars, tinanggal na ni Christian Merck Grey sa Greys family
Source: Facebook

"Mars is no longer part of The Greys family, I paid him 1 million pesos for the termination of the contract. Whatever action he does, we’re not part of it anymore. Thanks," saad ni Merck sa kanyang post.

Read also

Albay, hindi lang binaha; nakaranas din umano ng lahar flow

Dahil dito, nilinaw ni Merck na anumang aksyon na gagawin ni Tito Mars mula ngayon ay hindi na konektado sa kanila. Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Merck tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay, ngunit agad na umani ng atensyon ang naturang balita mula sa kanilang mga tagasubaybay online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Read also

Paulo Avelino, suportado ang grupo ni Kim Chiu Magpasikat

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate