Ilang empleyado ng PNR sa Naga, na-trap sa loob ng tren mula kagabi dahil sa baha
- Ilang empleyado ng Philippine National Railways sa Naga ay na-trap sa loob ng tren mula Martes ng gabi dahil sa baha
- Ang baha ay dulot ng Bagyong Kristine na nagdulot ng matinding pinsala sa Bicol Region
- Mga larawan mula kay Lorna Regoso ang nagpapakita ng mga empleyado habang tumataas ang tubig-baha sa paligid ng tren
- Patuloy na mino-monitor ng mga otoridad ang sitwasyon at inaasahan ang agarang paglilikas ng mga empleyado
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ilang empleyado ng Philippine National Railways (PNR) ang na-trap sa loob ng tren mula pa noong Martes ng gabi dahil sa patuloy na pagtaas ng baha sa lungsod na dulot ng Bagyong Kristine, ayon sa ulat ni Jeck Batallones ng ABS-CBN News.
Sa mga larawang ibinahagi ni Lorna Regoso, makikita ang ilang empleyado ng PNR na nakapirmi sa loob ng tren habang ang tubig-baha ay patuloy na tumataas sa labas. Lubog na ang bahagi ng kanilang lugar, dahilan upang hindi sila makalabas ng tren.
Ang pagbaha ay isa lamang sa mga malalalang epekto ng Bagyong Kristine, na patuloy na nagdudulot ng pinsala sa Bicol Region. Maraming lugar ang nalubog sa baha at nagkaroon ng pagkaantala sa mga operasyon ng tren sa rehiyon.
Patuloy ang mga otoridad sa monitoring ng sitwasyon, habang ang mga empleyado ay umaasa ng agarang tulong para sa kanilang ligtas na paglilikas.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Kristine ay nananatiling nasa kategoryang tropical storm habang tinatahak ang direksyon patungong hilaga-kanluran. Patuloy na pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa ilog na maging alerto sa posibleng landslide at biglaang pagbaha.
Nanawagan ang Bicol RDRRMC matapos na umano'y hindi kayanin ang pag-rescue sa nga humihingi ng tulong. Dahil sa bagyong Kristine, hindi mapigil ang pagtaas ng tubig partikular na sa na sa Bicol Region. Kabi-kabilang update ang makikita kung saan may ilang mga na-stranded pa sa bus at inabot na ng baha.
Sapul sa isang video ang paghingi ng tulong ng ilang residente sa Albay. Ito ay dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tubig baha sa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Isa ang Albay sa Bicol region na nakararanas ng matinding hagupit ni Kristine. Patuloy ang paghingi ng anumang klaseng tulong ang nasabing rehiyon na karamihan ng lugar ay lampas tao pa rin ang baha.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh