Lalaki sa Nabua, Camarines Sur, nakahawak lang sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha

Lalaki sa Nabua, Camarines Sur, nakahawak lang sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha

- Isang lalaki sa Barangay Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur ay nakahawak sa puno ng niyog upang makaiwas sa baha dulot ng Bagyong Kristine

- Ayon kay John Louie Nuñez, nakita ang lalaki na nakahawak sa puno mula pagsikat ng araw

- Hanggang tanghali ng Miyerkules, Oktubre 23, 2024, hindi pa rin naililigtas ang lalaki

- Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad habang naghihintay ng rescue operation sa lugar

Isang residente ng Barangay Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur, ang nakitang mahigpit na nakahawak sa puno ng niyog upang makaiwas na matangay ng malakas na agos ng tubig baha na dulot ng Bagyong Kristine (#KristinePH).

Lalaki sa Nabua, Camarines Sur, nakahawak lang sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha
Lalaki sa Nabua, Camarines Sur, nakahawak lang sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha
Source: Facebook

Ayon kay John Louie Nuñez, ang residenteng kumuha ng video, nakita ang lalaki na nakahawak sa puno mula pa pagsikat ng araw. "Nakahawak lang siya sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha. Mula pa kaninang madaling araw, nandoon na siya," pahayag ni Nuñez sa kanyang post.

Read also

Albay, hindi lang binaha; nakaranas din umano ng lahar flow

Sa kasalukuyan, hindi pa naililigtas ang lalaki hanggang tanghali ng Miyerkules, Oktubre 23, 2024. "As of now po, hindi pa rin nase-save si kuya na nasa video," dagdag ni Nuñez.

Patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng mga lokal na awtoridad at rescue teams habang patuloy ang pananalasa ng bagyo sa rehiyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Bagyong Kristine (#KristinePH) ay patuloy na nananalasa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, partikular sa mga rehiyon ng Bicol at Visayas. Matinding pag-ulan at pagbaha ang naitala, na nagdulot ng pagkaantala sa transportasyon at paglilikas ng mga residente mula sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Kristine ay nananatiling nasa kategoryang tropical storm habang tinatahak ang direksyon patungong hilaga-kanluran. Patuloy na pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa ilog na maging alerto sa posibleng landslide at biglaang pagbaha.

Read also

Residente sa Albay, dinig ang iyak at sigaw ng tulong sa pananalasa ni Kristine

Nanawagan ang Bicol RDRRMC matapos na umano'y hindi kayanin ang pag-rescue sa nga humihingi ng tulog. Dahil sa bagyong Kristine, hindi mapigil ang pagtaas ng tubig partikular na sa na sa Bicol Region. Kabi-kabilang update ang makikita kung saan may ilang mga na-stranded pa sa bus at inabot na ng baha.

Sapul sa isang video ang paghingi ng tulong ng ilang residente sa Albay. Ito ay dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tubig baha sa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Isa ang Albay sa Bicol region na nakararanas ng matinding hagupit ni Kristine. Patuloy ang paghingi ng anumang klaseng tulong ang nasabing rehiyon na karamihan ng lugar ay lampas tao pa rin ang baha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: