Tulay sa Davao, bumigay matapos daanan ng 10-wheeler truck na may kargang bato

Tulay sa Davao, bumigay matapos daanan ng 10-wheeler truck na may kargang bato

- Bumigay ang tulay sa Km 8, Purok 6-A Iñigo sa Barangay Matina Pangi, Davao City matapos dumaan ang isang 10-wheeler truck

- Ayon sa barangay official, hindi dapat dumaan ang mga truck sa tulay na may kapasidad lamang na limang tonelada

- Iniulat na sira na ang tulay at hindi sapat ang pondo ng barangay para sa pagkumpuni nito

- Sa kasalukuyan, tanging mga pedestrian lamang ang pinapayagan na tumawid sa tulay sa Saavedra, Catalunan Grande

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang tulay sa Km 8, Purok 6-A Iñigo sa Barangay Matina Pangi, Davao City ang bumigay matapos dumaan ang isang 10-wheeler truck na nagdadala ng mga bato at lupa noong Sabado ng hapon, Oktubre 19, 2024. Ayon sa mga ulat ng GMA Regional TV, nakatakas ang drayber ng truck matapos bumagsak ito sa tulay.

Tulay sa Davao, bumigay matapos daanan ng 10-wheeler truck na may kargang bato
Tulay sa Davao, bumigay matapos daanan ng 10-wheeler truck na may kargang bato (GMA Regional TV One Mindanao)
Source: Facebook

Ayon sa isang opisyal ng barangay, hindi dapat dumaan ang mga truck sa tulay na may haba lamang na 20 metro dahil ang kapasidad nito ay limang tonelada lamang. Iniulat din na sira na ang tulay at hindi na ito kayang suportahan kahit ang mga truck na may bigat na limang tonelada.

Read also

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Sa kasalukuyan, hindi na madaanan ang tulay at inireport na hindi sapat ang pondo ng barangay para sa pagkumpuni nito. Naiparating na ang concern sa opisina ng alkalde.

Sa kasalukuyan, maaari lamang tumawid ang mga residente sa tulay sa Saavedra, Catalunan Grande, at tanging mga pedestrian lamang ang pinapayagan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio. Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli..

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate