Posibleng motibo sa pamamaril sa mag-asawang negosyante, inilahad ng pulisya
- Posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang kina Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu ayon sa pulisya
- Ayon sa pamilya ng mga biktima, may naisip na hindi nagbabayad ng utang si Ms. Lerma bago ang insidente
- Nananawagan ang pamilya na sumuko na ang mga suspek upang makamit ang hustisya
- Kasama sa imbestigasyon ang kliyente na naunang kinatagpo ng mag-asawa bago ang pamamaril
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang kina Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu. "As to the accounts ng mga family po nila, business at saka po may nai-mention si Ms. Lerma sa family niya na may hindi daw nagbabayad ng utang," pahayag ni P/Lt. Col. Pearl Joy Gollayan, hepe ng Mexico MPS.
Dagdag pa niya, "Hindi po kami nag-aano sa single motive, tinitingnan pa kung ano ang concrete na motive." Kasama sa imbestigasyon ang kliyente na naunang kinatagpo ng mag-asawa bago ang insidente.
Nananawagan naman ang pamilya ng mga biktima sa mga suspek na sumuko na upang makamit ang hustisya. "Sana kung sino man ‘yung nagpagawa nito sa kanila, kasi mukhang hard killer e. Sana usugin ka ng konsensya mo kasi ‘yung kinuhanan mo ng buhay, ang daming umaasa sa kanila. Dahil mga senior na ‘yung mga nanay at tatay nila," saad ni Maritess Lulu, tiyahin ni Lerma.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang nakababatang kapatid ni Lerms Lulu, si Leslie Lulu Manabat, ay nagbahagi sa Facebook at nagpahayag ng kanyang pagkalumbay sa pagpanaw ng online seller. Binigyang-diin niya na ang mga salarin na pumatay kina Lerms at Arvin Lulu ay mga napakabait na tao na tumulong sa maraming tao. Ayon kay Leslie, nawalan siya ng nakatatandang kapatid, at ang kanyang pamangkin ay nawalan ng parehong mga magulang.
Nagpahayag din siya ng kanyang kalungkutan at awa sa kanyang pamangkin. Sinabi niya na ang natitirang anak nina Lerms at Arvin Lulu ay patuloy na umiiyak, humihingi ng kanyang ina. Sa kanyang post sa Facebook, ipinahayag ni Leslie Lulu Manabat ang kanyang galit sa mga salarin na pumatay sa parehong mga magulang ng kanyang pamangkin.
Source: KAMI.com.gh