Taxi driver, patay sa road rage sa Baguio; magkapatid, naaresto sa pananaksak

Taxi driver, patay sa road rage sa Baguio; magkapatid, naaresto sa pananaksak

- Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City

- Nagsimula ang insidente matapos umano ang pagtatangkang mag-overtake ng biktima sa mga suspek sa Asin Road

- Agad na tumakas ang mga suspek ngunit kalaunan ay sumuko at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya

- Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder matapos isinampa ng mga awtoridad ang reklamo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.

Taxi driver, patay sa road rage sa Baguio; magkapatid, naaresto sa pananaksak
Taxi driver, patay sa road rage sa Baguio; magkapatid, naaresto sa pananaksak
Source: Youtube

Ayon sa pulisya ng Baguio City, nag-ugat ang away dahil sa umano'y pagtatangkang mag-overtake ni Pelayo sa mga suspek, na hindi ikinatuwa ng mga ito.

Read also

Babae patay; apat sugatan sa hit-and-run sa General Santos City

"Allegedly itong victim ay nag-overtake at itong suspek ay hindi natuwa doon sa pag-overtake kaya nagkaroon ng gitgitan sa daan. And allegedly, nagkasakitan na nagdulot ng pananaksak," ayon kay Police Major Harriet Bulcio ng Baguio City Police Office.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isinugod si Pelayo sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa natamong sugat.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek ngunit kalaunan ay sumuko rin sa mga awtoridad. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong murder.

“Na-inquest na po 'yung dalawang suspek kagabi at nai-file na or nai-refer na po sa prosecutor ang murder case laban sa kanila,” dagdag ni Bulcio.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Read also

44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate