‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist

‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist

- Sumabak sa pulitika si Deo Balbuena, kilala bilang 'Diwata' ng Diwata Pares, bilang ika-apat na nominee ng Vendors Party-List

- Ang Vendors Party-List ay naglalayong kumatawan sa mga interes ng mga manininda sa darating na halalan 2025

- Pabiro niyang sinabi na magbibigay siya ng libreng pares, unli rice, at softdrinks sa Kongreso sakaling manalo

- Layunin ni Balbuena na ipaglaban ang mga karapatan ng mga nagtitinda at masigurong maririnig ang kanilang boses sa Kongreso

Sumabak na sa mundo ng pulitika ang social media personality na si Deo Balbuena, mas kilala bilang ‘Diwata’ ng Diwata Pares. Siya ay opisyal nang itinalaga bilang ika-apat na nominee ng Vendors Party-List, isang grupo na naglalayong kumatawan sa mga interes ng mga manininda o mga nagtitinda sa bansa, sa darating na halalan 2025.

‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist
‘Diwata,’ naghain ng CONA para sa Vendors Partylist (Willard Cheng, ABS-CBN News)
Source: Facebook

Sa isang interview, pabirong tinanong si Balbuena kung mamimigay ba siya ng libreng pares sa Kongreso sakaling manalo. Sagot niya, “Bakit hindi, kung gusto nila? Mag-u-unli rice tayo doon at free softdrinks.”

Read also

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Si Balbuena, na kilalang online personality dahil sa kanyang pagkain at negosyo sa Diwata Pares, ay patuloy na sumusuporta sa mga vendor at maliliit na negosyante. Ang kanyang pagpasok sa pulitika ay isang hakbang para ipaglaban ang mga karapatan ng mga nagtitinda sa kalsada at palengke na madalas naiipit sa mga isyu ng pangkabuhayan at legalidad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagsumite ng kanyang mga dokumento, sinabi ni ‘Diwata’ na ang kanyang adhikain ay masigurong maririnig ang boses ng mga maninindang Pilipino sa Kongreso.

Matatandaang sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: