Angelica Yulo, nagbabala sa mga fake accounts na gumagamit sa pangalan nya

Angelica Yulo, nagbabala sa mga fake accounts na gumagamit sa pangalan nya

- Nagbabala si Angelica Yulo tungkol sa mga fake accounts na gumagamit ng kanyang pangalan sa social media

- Sinabi niyang iisa lamang ang kanyang opisyal na Facebook account at walang ibang post maliban sa live selling

- Hinimok niya ang mga tao na maging mapanuri at mag-ingat sa mga naglalabasang pekeng account

- Nagpasalamat siya kay Johnrobert Costura sa pagtulong sa pagresolba ng isyu

Naglabas ng babala si Angelica Yulo laban sa mga naglalabasang fake accounts na ginagamit ang kanyang pangalan sa social media, partikular sa Facebook. Sa kanyang post, hinimok ni Yulo ang mga netizens na maging mapanuri at mag-ingat sa mga pekeng account na nagpapanggap bilang siya.

Angelica Yulo, nagbabala sa mga fake accounts na gumagamit sa pangalan nya
Angelica Yulo, nagbabala sa mga fake accounts na gumagamit sa pangalan nya
Source: Facebook

"Be vigilant!!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa. Inuulit ko po, iisa lang po ang Facebook account ko, wala nang iba pa. Aside from my live selling, wala na po akong ibang post. We're trying to move forward po," ani ni Yulo sa kanyang post.

Read also

Stell, proud sa picture niya na ginagamit para i-bash siya: "Proud ako dun sa photo na yun"

Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya kay Johnrobert Costura na tumulong upang mabigyang-linaw ang isyu. Sa kabila ng mga negatibong pangyayari, nanatili si Yulo na positibo at ipinagdasal ang mga taong naninira sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"God bless sa mga naninira po sa akin," pagtatapos ni Yulo, kasabay ng kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta mula sa kanyang mga tagasunod.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Read also

Chloe San Jose, nakapanayam ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate