Ms. Catering, sumabak sa '5 Minute Hakot Pangarap Challenge' ni Wilbert Tolentino

Ms. Catering, sumabak sa '5 Minute Hakot Pangarap Challenge' ni Wilbert Tolentino

- Binahagi ni Wilbert Tolentino ang kanyang pa-Hakot Challenge kay Ms. Catering

- Sa kanyang vlog ay dinala niya si Ms. Catering at kaibigan nito na isa ring content creator sa bilihan ng mga appliances

- Imbes na dalawang minuto ay binigyan niya ng limang minuto si Ms. Catering para makapaghakot ng iba't-ibang gamit sa bahay

- Iba-ibang gamit pambahay ang nakuha ni Ms. Catering kabilang na ang electic fan, aircon, ref, TV at marami pang iba

Sa isang bagong vlog ni Wilbert Tolentino, binigyan niya ng pagkakataon si Ms. Catering, isang sikat na content creator, na sumabak sa kanyang "5 Minute Hakot Pangarap Challenge." Ayon kay Wilbert, bahagi ito ng kanyang patuloy na pagbibigay-saya at tulong sa mga kapwa content creators.

Ms. Catering, sumabak sa '5 Minute Hakot Pangarap Challenge' ni Wilbert Tolentino
Ms. Catering, sumabak sa '5 Minute Hakot Pangarap Challenge' ni Wilbert Tolentino
Source: Youtube

Dinala ni Wilbert si Ms. Catering at ang kanyang kaibigan, na isa ring content creator, sa isang tindahan ng appliances. Inaasahan ni Ms. Catering na bibigyan lamang siya ng dalawang minuto para makapamili ng mga gamit pambahay, ngunit bilang sorpresa, dinoble ni Wilbert ang oras at binigyan siya ng limang minuto para makapaghakot.

Read also

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

Sa loob ng limang minuto, iba’t ibang appliances ang nakuha ni Ms. Catering, kabilang na ang electric fan, aircon, refrigerator, TV, at iba pang gamit sa bahay. Labis ang saya ni Ms. Catering matapos ang challenge, at nagpasalamat siya kay Wilbert sa malaking oportunidad na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang vlog na ito ni Wilbert ay mabilis na nag-viral, na ikinatuwa ng maraming netizens dahil sa pagpapakita ng suporta at pagmamalasakit sa mga kapwa creators lalo na kay Ms. Catering na kinakaaliwan ng marami hindi lang dahil sa kanyang nakakatuwang mga jokes ngunit pati na rin dahil sa kanyang pagiging mapagmahal na anak.

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang negosyante na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines noong taong 2009. Nakilala din siya bilang manager ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Nicole Budol.

Read also

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Naglabas si Wilbert Tolentino ng kanyang saloobin patungkol sa taong kanyang natulungan. Aniya ay nakakadala ugali ng taong ito na hini niya pinangalanan ngunit aniya ay ungrateful ito. Lagi din daw pabalang ito sumagot at aniya ay hindi ito magtatagal sa industriya sa ugali nito. Dagdag pa ni Wilbert, hindi na daw niya kayang pagtakpan ang tunay na ugali ng taong kanyang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate