Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag

Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag

- Nagbgiay pahayag si Ogie Diaz tungkol sa nasabi ni Mark Yulo sa isa sa mga live videos nito

- Alam din umano ni Ogie na hindi pa nagkakausap ng maayos sina Carlos Yulo at kanyang mga magulang

- Hiling din nilang magkaayos na sana ang pamilya Yulo nang sa gayon, maitodo na umano ni Carlos ang pagdiriwang sa pagiging Olympic gold medalist na nagbigay karangalan sa Pilipinas

- Matatandaang sa gitna ng tagumpay ni Carlos sa natapos na 2024 Olympics sa Paris, kasabay nito ang pagsasapubliko ng umano'y hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mga magulang

Nagbigay pahayag at payo si Ogie Diaz patungkol sa pinakabagong pinag-uusapang naging pahayag ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Yulo.

Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag
Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag (Mark Andrew Yulo)
Source: Facebook

Ito umano ay tungkol sa naging reaksyon ni Mark sa mga akusasyon ng publiko na umano'y ginagatasan lang ng kanilang pamilya si Carlos.

Read also

Darren Espanto, inalala ang sumikat na kanta ni Kim Chiu noong pandemic

Ayon kay Ogie, kahit na ang pahayag ng ama ni Carlos Yulo ay maaaring naglalaman ng biro, mahalaga pa rin na maging maingat sa mga ganitong usapin, lalo na't patuloy ang kakulangan ng komunikasyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya.

"Alam ko namang joke lang yun ng tatay ni Carlos Yulo pero sana, hinay-hinay lang din tayo. Alam ko naman na wala pa ring komunikasyon si Carlos at yung kanyang pamilya," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay rin siya ng opinyon tungkol sa epekto ng relasyon ng magulang at anak, "Kahit pa magbangayan yan, mag-ina pa rin yan... ako naniniwala, dumidepende ang trato ng anak sa magulang, depende yan sa kung paano niya itrato at hubugin ang kanyang anak. Susuklian lang 'yun ng anak."

Ayon kay Diaz, ang pag-uugali ng anak sa kanyang mga magulang ay madalas na sumasalamin sa paraan ng pagpapalaki at pag-aalaga ng magulang sa kanya. Ito ay nagpapahiwatig na ang anumang hindi pagkakaunawaan ay maaaring maiwasan o maayos sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at pag-unawa.

Read also

RR Enriquez, nag-react sa isyu ng Balay Dako, ang restaurant na hindi pinapasok ang Aspin na si Yoda

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz YouTube channel:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Sa natapos na Paris Olympics ngayong taon, dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Carlos na mga panibagong karangalan para sa Pilipinas.

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica