Pastor Apollo Quiboloy, nahuli na ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos

Pastor Apollo Quiboloy, nahuli na ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos

- Si Pastor Apollo Quiboloy ay naaresto na ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos

- Nahuli siya sa loob ng KOJC compound sa Davao City noong alas-6 ng gabi

- Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong paglabag sa RA 7610 at RA 9208

- Nagsasagawa ang pulisya ng paghahanap mula pa noong Agosto 24

Naaresto na si Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ, ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos nitong Linggo ng gabi. Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Abalos ang isang larawan kung saan makikita si Quiboloy. "Nahuli na si Pastor Quiboloy!" ayon sa post ng kalihim.

Pastor Apollo Quiboloy, nahuli na ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos
Pastor Apollo Quiboloy, nahuli na ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos
Source: Facebook

Ayon pa kay Abalos, nahuli si Quiboloy dakong alas-6 ng gabi sa loob ng compound ng KOJC sa Davao City. Mula pa noong Agosto 24, nagsasagawa na ng paghahanap ang mga pulis sa naturang lugar.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Bukod dito, may isa pa siyang kaso ng qualified human trafficking na walang piyansa sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, na isinampa sa isang korte sa Pasig.

Read also

Fyang ng PBB Gen 11, may ibinilin na gawin ng latest evictee na si Joli

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang pagkakaaresto ni Quiboloy ay isang mahalagang hakbang sa pagtugis ng hustisya laban sa mga akusasyon na ipinataw laban sa kanya.

Si Apollo Quiboloy ay isinilang sa Davao City. Dati siyang miyembro ng United Pentecostal Church at nang kinalaunan ay nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ church.

Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.

Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya.

Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate