20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari

20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari

- Nakatakas ang isang 20-anyos na tourism student sa posibleng pag-kidnap umano sa kanya

- Papunta lang sana ito sa kanyang kaibigan sa Balut, Tondo nang mangyari umano ang insidente

- Nagawa pa umanong maka-text sa kanyang nobyo ang biktima para makahingi ng tulong

- Bagama't ligtas, isasangguni pa rin sa DSWD ang kanyang kalagayan

Tila himalang nakatakas ang isang 20-anyos na tourism student sa Maynila sa posibleng pag-kidnap sa kanya.

20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari
20-anyos sa Maynila, nakatakas sa umano'y kidnapper; naidetalye ang pangyayari (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita ng GMA, nakita pa sa CCTV ang pagsakay ng tricycle ng biktimang itinago nila sa pangalang 'Shane' bandang alas nuebe ng gabi ng Agosto 22.

Nagawa pa umanong makapagtext ni Shane sa kanyang nobyo at humihingi ng tulong. Aniya, tila may humahabol sa kanya.

Kwento pa ng tiya ng biktima maging ang pinsan ni Shane ay nakatanggap ng mensahe na humihingi ng tulong.

Read also

Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nang makatakas, nagawa rin nitong maidetalye sa kanyang tiya ang mga nangyari.

"May biglang tumutok daw sa kanya ng kutsilyo. Tapos mabilis siyang pinaglalakad... tapos after 'nun wala na siyang malay,” ayon sa tiya ni Shane.

Nang magising, nasa isang kwarto siya kung saan naroon pa ang kanyang mga gamit. Agad niya itong kinuha at umakas.

"Pasalamat ko lang na nabalik sa amin ‘yung pamangkin ko nang buhay. Kaya lang inaano namin yung trauma na na-experience niya. Kasi wala siyang tsinelas, sobrang dumi, tapos kalat-kalat 'yung gamit niya"

Dahil dito, dadalhin ang biktima sa DSWD upang maapulahan ang traumang dala ng pangyayari.

Matatandaang isa sa mga hindi malilimutang krimen dalawang taon na ang nakalilipas ay ang sinapit ni ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Read also

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala. Naidulog pa sa Raffy Tulfo in Action ang naturang kaso na kalauna'y nahuli rin ang suspek na isa umano nilang kaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica