10 anyos na batang lalaki, walang habas na pinagsasaksak ng 18-anyos na babae
-Nahuli-cam sa Taytay, Rizal ang isang 18-anyos na babae habang sinasaksak ang isang 10-taong-gulang na batang lalaki
- Nagtamo ng 22 saksak ang biktima matapos atakihin mula sa likuran habang naglalakad pauwi mula sa paaralan
- Ayon sa pulisya, ligtas na nagpapagaling ang bata sa ospital matapos ang insidente
- Ang suspek ay naaresto at kasalukuyang nakakulong sa Taytay Police Station, nahaharap sa kasong frustrated murder
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nahuli sa CCTV sa Taytay, Rizal ang pananaksak ng isang 18-anyos na babae sa isang 10-taong-gulang na batang lalaki. Ayon sa ulat ni EJ Gomez para sa Balitanghali nitong Martes, mapapanood sa kuha ng CCTV ang insidente kung saan makikita ang suspek na tila kalmado lamang na nakatambay sa Adhika Street, Barangay Dolores bandang alas-11 ng umaga noong Lunes, habang hawak ang isang patalim.
Makalipas ang ilang minuto, iniulat na naglakad-lakad ang babae bago umupo sa likod ng isang nakaparadang tricycle at bumalik sa gilid ng kalsada. Sa pagdaan ng batang biktima, bigla umanong inatake ito ng suspek mula sa likuran, na nagtamo ng 22 saksak ayon sa pulisya.
Matapos ang marahas na aksyon, iniulat na tumayo ang babae at naglakad palayo, habang itinuro pa ang nakahandusay na biktima sa mga nakakita. Agad na tumakbo ang ina ng bata upang buhatin ang duguang anak at dalhin ito sa pinakamalapit na pagamutan. Ayon kay Police Colonel Felipe Marggun, Provincial Director ng Rizal PPO, himalang nakaligtas ang bata at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Taytay.
Samantala, sinabi ng ama ng biktima na si Roland Rosas na pauwi mula sa paaralan ang anak nang mangyari ang insidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Iniulat din na naaresto ang suspek na tila wala sa tamang pag-iisip, ayon kay Marggun. Habang iniimbestigahan, paiba-iba raw ang sinasabi ng babae, dahilan upang magduda ang mga pulis sa kanyang mentalidad. Dagdag pa ni Marggun, tinitingnan din ang anggulong inggit dahil maagang naulila ang suspek sa kanyang mga magulang.
Sa kasalukuyan, nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng Taytay Police Station at nahaharap sa kasong frustrated murder.
Gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.
Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan.
Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh