Grade 10 na dalagita, natagpuan patay sa tubuhan matapos mawala noong July 29
- Natagpuan ang bangkay ni Pearl Joy Galve sa isang tubuhan sa La Carlota City
- Nasa advanced state of decomposition na ang katawan ng biktima nang matagpuan ito
- Kinilala ang biktima ng kanyang ina base sa suot niyang puting damit
- Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at magsasagawa ng autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang estudyante mula Bacolod City ang natagpuang patay sa isang tubuhan sa Hacienda San Roque, Brgy. Cubay, La Carlota City, Negros Occidental noong Miyerkules, Agosto 14. Ang biktima ay kinilalang si Pearl Joy Galve, 15 taong gulang, at estudyante ng Sum-ag National High School.
Ayon kay Capt. Rosinie Cabuena, deputy police chief ng La Carlota City, natagpuan ang bangkay ni Galve ng isang trabahador sa hacienda bandang alas-8:30 ng umaga. Ang bangkay ng biktima ay nasa advanced state of decomposition na at suot nito ang puting t-shirt, puting shorts, at puting medyas.
Kinilala ang biktima ng kanyang ina matapos makita ang katawan na natagpuan 700 metro mula sa pangunahing kalsada. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at isasagawa ang autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pagkawala ni Galve sa loob ng halos 15 araw ay nagdulot ng matinding pag-aalala sa kanyang pamilya at komunidad.
Matatandaang naging malaking balita din ang pagkawala ng isang beauty pageant contestant at kanyang fiance. Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.
Sumuko ang driver ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Geneva at Yitzhak ayon sa CIDG. Si "Jess" daw ang nagturo sa pulisya kung saan ibinaon ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na natagpuan noong Sabado. Nasa kustodiya ng CIDG ang dalawang dating pulis na pangunahing suspek, isa rin sa kanila ay nahuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril.
Ayon sa kapatid ni Yitzhak, si Yaniv Cohen, nakausap pa ng kanilang kapatid na babae si Itzhak isang oras bago ito nawala. Sa isang panayam sa Ynet, sinabi ni Yaniv na pumunta si Yitzhak upang makipagkita sa isang taong kilala na niya ng ilang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh