DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday

DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday

- Nagkomento si DJ Chacha tungkol sa mungkahing pagsasama ng ilang public holiday sa isang araw

- Sinabi niyang mas nararapat na bawasan ang mahahabang bakasyon ng mga mambabatas kaysa sa public holiday

- inuwestiyon niya ang haba ng break ng mga mambabatas kumpara sa limitadong paid leave ng mga ordinaryong manggagawa

- Matatandaang ipinag-utos ni Senate President Chiz Escudero ang pag-aaral sa posibilidad ng pagsasama-sama ng ilang public holiday sa isang araw

Nagbigay ng matapang na pahayag si DJ Chacha ukol sa mungkahing pagsasama-sama ng ilang public holiday sa isang araw, isang hakbang na inutos ni Senate President Chiz Escudero upang mabawasan ang dami ng non-working days sa bansa. Ayon kay DJ Chacha, sa halip na bawasan ang mga public holiday, mas nararapat na tingnan ang mahahabang bakasyon ng mga mambabatas.

DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday
DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday
Source: Instagram

“Ang dapat bawasan ay yung mahabang bakasyon ng mga mambabatas. Ang mga ordinaryong manggagawa bilang lang ang paid leave. Kayo po, gaano katagal ulit ang break sa isang taon?” ani DJ Chacha, na tila kinuwestiyon ang haba ng break na tinatamasa ng mga nasa gobyerno kumpara sa limitadong paid leave ng mga karaniwang empleyado.

Read also

Brenda Mage, nagluluksa sa pagpanaw ni Didong Dumadag aka Miss D

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lamang, ipinag-utos ni Senate President Escudero ang pag-aaral sa posibilidad ng pagsasama-sama ng ilang public holiday sa isang araw. Ayon sa kanya, masyado nang maraming non-working days sa bansa, na posibleng makaapekto sa produktibidad ng ekonomiya.

Ang komento ni DJ Chacha ay nagpapakita ng pananaw ng isang ordinaryong manggagawa na maaaring nagsasalamin sa damdamin ng maraming Pilipino na mas nakakaranas ng epekto ng mga nasabing panukala.

Si Czarina Marie Balba-Guevara, na mas kilala bilang DJ Chacha, ay isang Pilipinang radio disc jockey, broadcast journalist, at aktres. Siya ay isang segment anchor para sa Showbiz Balita sa Radyo Patrol Balita Alas-Siyete at Gising Pilipinas.

Kamakailan, nag-pose si DJ Chacha para sa isang napakagandang maternity shoot sa Bubbly Studio. Nagbahagi ang sikat na DJ sa kanyang Instagram ng ilang magagandang larawan na kuha mula sa shoot.

Read also

3 hotel kung saan nakita si Sandro Muhlach, nagpasa ng mga kopya ng CCTV sa NBI

Ilang buwan na ang nakalipas nang ibinahagi ni DJ Chacha ang reaksyon ng kanyang anak na si Sab sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Parehong nag-post sa kanilang mga Instagram page ang dating magkasintahan at kinumpirma ang mga bali-balitang sila ay naghiwalay na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate