Juillianna Villafuerte, nagsalita kaugnay sa 'flat-line issue"

Juillianna Villafuerte, nagsalita kaugnay sa 'flat-line issue"

- Humingi ng paumanhin si Juillianna Villafuerte kaugnay sa kontrobersyal na video na naglalaman ng flat line clip at mga hospital setting

- Inako niya ang responsibilidad sa pagkuha ng mga video at pinakiusapan ang publiko na huwag idamay ang kanyang unibersidad, clinical instructors, at mga kaibigan

- Napagtanto niya na ang kanyang mga aksyon ay kulang sa respeto at sensibilidad at sinabi niyang ito ay isang pagkakamali sa paghusga at isang aral na hindi niya malilimutan

- Nagpasalamat siya sa mga taong nagpahayag ng kritisismo nang walang galit at nangakong magpapabuti pa sa hinaharap

Humingi ng paumanhin si Juillianna Villafuerte kaugnay sa kontrobersyal na video na naglalaman ng isang flat line clip at iba pang mga video na kuha sa isang hospital setting. Inako ni Villafuerte ang responsibilidad sa pagkuha ng mga video habang nasa clinical duties at pinakiusapan ang publiko na huwag idamay ang kanyang unibersidad, mga clinical instructor, at mga kaibigan sa insidente dahil hindi sila kasangkot sa kanyang mga aksyon.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Juillianna Villafuerte, nagsalita kaugnay sa 'flat-line issue"
Juillianna Villafuerte, nagsalita kaugnay sa 'flat-line issue"
Source: TikTok

Ayon kay Villafuerte, bilang isang estudyante na patuloy na natututo, napagtanto niyang kulang sa respeto at sensibilidad ang kanyang mga ginawa. Hindi umano niya intensyon na magdulot ng discomfort sa sinuman at ngayon ay mas nauunawaan na niya ang kahalagahan ng empatiya sa ganitong mga sitwasyon. Tinawag niya itong isang pagkakamali sa paghusga at isang aral na hindi niya malilimutan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi rin ni Villafuerte na ang kanyang layunin ay palaging magbigay-inspirasyon sa ibang mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang POVs at raw vlogs, at ipakita ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa nursing.

Ayon sa kanya, nagkamali siya sa hindi pagtatakda ng hangganan sa pagitan ng pagiging isang student nurse at content creator. Binanggit niya ang kanyang intensyon na ipakita ang kanyang nursing journey, na kahit mahirap at nakakapagod, ay may mga aspeto rin na dapat hangaan.

Read also

Gerald Santos, binunyag ang pangmomolestya sa dating TV network: 'Move on? Hindi ganun kadali'

Nagpasalamat si Villafuerte sa mga taong nagpahayag ng kanilang kritisismo nang hindi nagkakalat ng poot at kahihiyan, at sinabi niyang ito ay magiging aral upang higit pang palakasin ang kahalagahan ng compassion at respeto sa lahat ng aspeto ng kanyang pakikitungo bilang isang future nurse. Sa huli, nagpasalamat siya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

Si Juillianna Villafuerte ay isang content creator and student nurse na mayroong halos 300K subscribers sa Instagram.

Samantala, sa kabila ng ganitong pangyayari, maraming beses nang nag-viral ang mga magagandang nagawa ng ilang nursing student.

Kinilala at mapaparangalan si Angyl Fyth Ababat, ang nursing student sa Cebu city na agad na tumulong sa tindera ng mangga na nagilitan ng leeg sa gilid ng kalsada.

Naisalba namang ng kapitbahay na nursing student ang isang batang aksidenteng nasakal sa duyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate