Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

- Hinangaan ang isang rider na nagsauli ng tsekeng nagkakahalaga ng Php3 million sa Raffy Tulfo in Action

- Pinili niyang idaan ito sa naturang programa upang makasigurong sa tamang tao niya ito maibalik

- Bukod sa pabuyang natanggap sa programa, binigyan din niya ng munting surpresa mula sa kinatawan ng may-ari

- Naimbitahan din ito sa Gawad Katapatan na nasabing programa para sa karagdagang pagkilala

Umani ng papuri ang rider na si Ferdinand Alinganan na nakapulot umano ng pouch na may lamang tseke na nagkakahalagang umano ng Php3 million.

Rider na nagsauli ng napulot na Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan
Rider na nagsauli ng napulot na Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan (Raffy Tulfo in Action)
Source: Youtube

Base na mismo sa salaysay ni Ferdinand, nakita niya ito at inusisa ang laman. Nang makitang tseke, agad niyang naisip na isauli ito.

At dahil nasa SM Megamall siya na malapit na sa tanggapan ng raffy Tulfo in Action, doon niya ito piniling dalhin.

Aniya, upang makasigurong tama ang taong pagdadalhan niya ng naiwang pouch na may malaking halaga.

Read also

Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang messenger na nakawala umano ng pouch ay si Marlon Beltran subalit ang HR supervisor ng pinapasukang trabaho ni Marlon ang tumanggap ng isinauli ni Ferdinand.

Dahil sa kabutihang puso ng rider, nag-abot ng gantimpala ang RTIA. Maging ang HR supervisor na si Joan Lirit ay nagbigay ng Php5,000 bilang pasasalamat sa katapatan ni Ferdinand.

Bukod dito, babalik pa umano ang rider para sa gawad katapatan ng RTIA upang siya ay bigyan ng karagdagang pagkilala.

Narito ang kabuuan ng naturang episode:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' bago pa man siya magwaging senador sa 2022 national elections. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 28.2 million subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Taho vendor na sinubukang maglako sa kasagsagan ni 'Carina,' hinangaan ng marami

Kamakailan, isa sa mga dumulog sa programa ni RTIA ay ang ina ng batang nasawi sa dikya. Isa sa tinitingnan na nakababahalang anggulo sa nangyari ay ang hindi pagdadala sa bata sa ospital. Wala umanong transportasyon na maaring ipagamit ang resort, kaya't isang guest din sa resort ang boluntaryong tumulong upang madala ang bata sa pagamutan.

Isa rin sa mga pumukaw sa puso ng netizens kamakailan ang mga larawan ng isang staff ng sikat na fast food chain kung saan nagbigay ito ng hindi inaasahang tulong sa isang lolo na nagugutom. Tubig lamang umano ang hiningi ng lolo subalit nang mapansin ng staff na gutom ang matanda, pinakain niya ito ng maayos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica