Lolo, umantig sa puso ng marami dahil sa handog na awitin sa kanyang misis
- Umantig sa puso ng marami ang video ng lolo na kinakantahan ang kanyang misis
- Lalo na at ang awitin ay akmang-akma sa kanilang pagsasama
- Marami rin ang humanga sa dalawa na umabot sa ganoong edad na magkasama
- Ang iba, sinabing naalala ang kanilang mga lolo at lola na patuloy na nagmamahalan dahil sa naturang video
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pumukaw ng atensyon ang video ng isang lolo na hinandugan ng awitin ang kanyang misis sa isang mall.
Sa Tiktok video na ibinahagi ni @jhanetoot11, makikita ang lolo na umaawit ng 'Through the years' habang si lola ay nakaupo sa kanyang wheelchair at pinapanood siya.
Kahanga-hanga rin ang ganda ng boses ng lolo kaya naman umani rin talaga ito ng papuri.
Samantala, hindi napigilang maging emosyonal ng ilang netizens nang mapanood ang naturang video.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ito ang totoong kahulugan ng Through the years"
"The most beautiful video I've seen today"
"Seeing them how genuine for each other, made me believe that there is a true love"
"True and genuine love. Sana maranasan ko din yan."
"Everybody chasing and flexing money, but this really is the Ultimate goal in life."
Narito ang kabuuan ng video:
Isa rin sa mga pumukaw sa puso ng netizens ang mga larawan ng isang staff ng sikat na fast food chain kung saan nagbigay ito ng hindi inaasahang tulong sa isang lolo na nagugutom. Tubig lamang umano ang hiningi ng lolo subalit nang pamansin ng staff na gutom ang matanda, pinakain niya ito ng maayos.
Matatandaang isa rin sa mga umantig sa puso ng netizens ang kwento ng ama ng triplets na si Joel Regal na nakapanayam ni Toni Gonzaga. Sa naturang interview, kapansin-pansin na naluha na rin si Toni sa umpisa pa lamang ng salaysay ng nasabing panauhin.
Si Joel ay minsan nang nag-viral nang maibahagi niya ang kwento ng pagiging solo parent niya sa kanyang triplets na mga anak. Pumanaw ang kanyang misis sa umano'y naging komplikasyon sa kanyang panganganak. Mula noo'y si Joel na ang nagtaguyod sa kanyang mga prinsesa, sa tulong ng kanyang biyenan at ibang kaanak na nagmamalasakit sa kanilang mag-aama
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh