Customer na umano'y nagpatayo sa waiter nang matagal dahil sa misgendering, nagsalita na
- Nagbigay pahayag si Jude Bacalso,isang manunulat matapos akusahan na pinatayo ang isang waiter ng dalawang oras
- Iginiit ni Bacalso na ang kanyang layunin ay magbigay-edukasyon sa mga nagkakamali ng pagkilala sa kanyang kasarian at itinangging pinatayo ang waiter bilang parusa
- Sinabi niyang ipinaalam niya sa mga may-ari ng restaurant ang insidente, na personal niyang kilala, imbes na gawing pampublikong isyu
- Binanggit ni Bacalso ang anti-discrimination ordinances ng Cebu City at iminungkahing dapat maresolba ang insidente sa pagitan niya at ng staff
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng pahayag si Jude Bacalso, isang manunulat na miyembro LGBT, matapos ang alegasyong pinatayo niya ang isang waiter ng dalawang oras matapos siyang tawaging "sir." Iginiit ni Bacalso na ang kanyang layunin ay magbigay-edukasyon sa mga tao na nagkakamali ng pagkilala sa kanyang kasarian at itinanggi niyang pinatayo ang waiter bilang parusa.
Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Bacalso na ipinagbigay-alam niya sa mga may-ari ng restaurant, na personal niyang kilala, ang insidente sa halip na gawing pampublikong isyu. Binigyang-diin niya na isa sa mga may-ari ng restaurant ay isang transwoman na ang pag-transition ay nasaksihan niya sa paglipas ng mga taon.
Binanggit din ni Bacalso ang anti-discrimination ordinances ng Cebu City, na nagmumungkahi na ang insidente ay dapat maresolba sa pagitan niya at ng staff.
Ang insidente ay ibinahagi sa social media ni John Calderon, na nagsabing nasaksihan niyang nakatayo ang waiter ng dalawang oras.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang "misgendering" ay ang pagtukoy o pagtawag sa isang tao gamit ang maling kasarian o gender pronouns na hindi tumutugma sa kanilang gender identity. Halimbawa, kapag ang isang taong nagpapakilala bilang babae ay tinawag na "sir" o ginamit ang mga panghalip na "he" at "him," ito ay isang anyo ng misgendering.
Matatandaang inalmahan ni Bb. Gandanghari ang pagtawag sa kanya ng "Rustom" ni Ricky Lo noon. Ayon pa sa kanya hindi niya mapapayagang i-misgender siya at tawagin siya sa dati niyang pangalan.Umani naman ito ng samu't-saring reaksiyon mula sa kanyang mga followers.
Sa isang Instagram post, sinagot ni BB Gandanghari ang komentong magkalayo umano ang kilay niya. Mensahe niya sa mga nagsasabi nito, wala umano silang pakialam dahil ayaw niya ng one-line na kilay. Inalmahan niya ang mga aniya'y "pakialamera" dahil pati kilay niya umano ay pinakikialaman ng mga ito.
Source: KAMI.com.gh