Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak

Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak

- Nakausap ni Korina Sanchez ang social media personalita na si Otlum sa kanyang programang Rated Korina

- Dito ay nabahagi niya ang pagkakaroon niya ng dalawang anak, isang lalaki at isang babae na mismong siya ang bumubuhay

- Disyembre noong nakaraang taon nang huli niya sila nakasama kaya hindi napigilang maiyak ni Otlum

- Nabahagi rin ni Otlum na hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak at alam naman daw ng kanyang mga anak iyon

Nakausap ni Korina Sanchez ang social media personality na si Otlum sa kanyang programang Rated Korina, kung saan ibinahagi ang emosyonal na muling pagkikita nila ng kanyang mga anak.

Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak
Otlum, bumuhos ang luha nang muling nakita ang kanyang mga anak
Source: Youtube

Ayon kay Otlum, mayroon siyang dalawang anak - isang lalaki at isang babae - na siya mismo ang nagtataguyod.

Huling nakasama ni Otlum ang kanyang mga anak noong Disyembre ng nakaraang taon, kaya't hindi niya napigilan ang pagbuhos ng luha sa kanilang muling pagkikita. Sa panayam, ibinahagi rin ni Otlum na hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak, at alam daw ito ng kanyang mga anak.

Read also

Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig

Tanggap daw ng kanyang mga anak ang kanyang pagkatao at itinuturing siyang isang ulirang ama. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatiling matatag si Otlum para sa kanyang mga anak. Nakiusap din sila na tigilan na ang pambabatikos sa kanilang ama, na para sa kanila ay isang dakilang haligi ng tahanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kasalukuyan ay nagdadalang-tao na ang kinakasama ng kanyang panganay na anak at malapit na siyang maging lolo.

Si Otlum ay isang content creator na kilala sa kasalukuyan. Una siyang nag-viral matapos ang paglabas ng balita kaugnay sa pagdampot niya ng cellphone. Matapos nito ay iginiit niyang wala siyang ginawang masama. Isa rin siya sa kaibigan ni Diwata.

Matatandaang binahagi ni China Roces sa kanyang Facebook page ang video nii Otlum PJ Dela Cruz. Nasa ospital ito at emosyonal na humihingi ng tulong at aniya ay masakit iyon para sa kanya dahil nakaya naman niyang magtrabaho noon para buhayin ang kanyang sarili. Gayunpaman, dahil sa kanyang kalagayan ay humihingi siya ng tulong para sa pagpapagamot niya.

Read also

Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo

Usap-usapan si Otlum matapos niyang magsalita tungkol sa mga endorsers na kinukuha ng CEO ng mga skincare products. Aniya, dapat ang mga kinukuhang model ng mga ito ay hindi yung mga magaganda na. Dapat daw ay kagaya niya ang pagandahin para mapatunayang effective ang kanilang produkto. Umani itong samu't-saring reaksiyon kabilang na ang mga nagsasabing may punto naman si Otlum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel