Lexter Castro, dinagsa ng delivery; riders, naperwisyo sa mga fake orders

Lexter Castro, dinagsa ng delivery; riders, naperwisyo sa mga fake orders

- Dinagsa ng mga delivery ang lalaking nag-viral kamakailan dahil sa Basaan sa San Juan

- Marami ang nag-order online at pinadeliver sa kanyang address na walang bayad

- Maging mga pagkain ay inorder din ng ilang nagalit sa kanya at pinadeliver sa kanila para bayaran niya

- Gayunpaman, marami sa mga delivery drivers ang nagrereklamo at sila na daw ang napaperwisyo

Marami ang nag-order online at pinadeliver sa address ni Lexter Castro ng walang bayad. Si Lexter ang lalaki sa viral video sa Basaan sa San Juan na may dalang water gun.

Lexter Castro, dinagsa ng delivery; riders, naperwisyo sa mga fake orders
Lexter Castro, dinagsa ng delivery; riders, naperwisyo sa mga fake orders
Source: Facebook

Kasama sa mga ito ang iba't ibang produkto, mula sa mga damit hanggang sa mga gamit sa bahay. Hindi rin nakaligtas ang mga pagkain, na inorder ng ilang nagalit sa kanya at pinadeliver sa kanyang bahay para siya ang magbayad.

Isa sa mga delivery rider, si Kervin, ay nagsabing, "Kung galit kayo sa tao kay (Lexter Castro) hwag nyo na idamay kaming mga nagtatrabaho n maayos..nakakaabala kayo kawawa mga seller at rider sa inyo..."

Read also

Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na

Dahil sa insidenteng ito, marami sa mga delivery drivers ang nagrereklamo at umaasang maagapan ang ganitong uri ng pang-aabuso. Samantala, si Lexter Castro ay naglabas din ng saloobin tungkol dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, hindi siya ang napeperwisyo sa ginagawa ng kanyang haters.

Ang insidente ay nagsilbing paalala sa publiko tungkol sa pananagutan sa paggamit ng online platforms at ang epekto nito sa mga manggagawa tulad ng mga delivery riders.

Ang Basaan ay isang pangkulturang tradisyon na isinasagawa sa San Juan tuwing taunang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Bautista. Ito ay sumisimbolo sa binyagang isinagawa nina Hesukristo at San Juan Bautista, na ginugunita sa kapistahan ni San Juan Bautista tuwing ika-24 ng Hunyo. Ipinagmamalaki ng Lungsod ng San Juan ang tradisyong ito bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng Lungsod.

Noong 2021, agad na sumugod ang mga bumbero sa lugar sa San Juan na sinasabing may sunog kahit wala naman. Napag-alamang prank call lamang ito at walang katotohanang may nangangailangan ng kanilang tulong.

Read also

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

Matatandaang minabuti nni Lexter na magsalita sa gitna ng mga komento laban sa kanya. Sa kanyang nilabas na video ay hawak niya ang water gun na ginamit niya noong June 24 sa taunang kapistahan sa San Juan City kung saan ginaganap ang Basaan. Ayon sa naturang lalaki ay tinanong niya pa ang motorcycle rider kung pwede niyang basain pero hindi raw pumayag pero binasa niya pa rin. Aniya, huwag na lang daw dapat dumaan sa San Juan kung ayaw mabasa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel