Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na

Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na

- Minabuti ng isang lalaki na kabilang sa nag-viral na video kamakailan na magsalita sa gitna ng mga komento laban sa kanya

- Sa kanyang nilabas na video ay hawak niya ang water gun na ginamit niya noong June 24 sa taunang kapistahan sa San Juan City kung saan ginaganap ang Basaan

- Ayon sa naturang lalaki ay tinanong niya pa ang motorcycle rider kung pwede niyang basain pero hindi raw pumayag pero binasa niya pa rin

- Aniya, huwag na lang daw dapat dumaan sa San Juan kung ayaw mabasa

Naglabas ng video ang lalaki na kabilang sa nag-viral na video kamakailan sa gitna ng mga komento laban sa kanya. Sa kanyang inilabas na video, hawak niya ang water gun na ginamit niya noong Hunyo 24 sa taunang kapistahan sa San Juan City kung saan ginaganap ang Basaan.

Read also

Melai Cantiveros, napagalitan daw ng Korean sa AAA Awards

Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na
Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na
Source: Facebook

Ayon sa naturang lalaki, tinanong niya pa ang motorcycle rider kung pwede niyang basain pero hindi raw pumayag. Sa kabila nito, binasa niya pa rin ang rider. Aniya, huwag na lang daw dapat dumaan sa San Juan kung ayaw mabasa tuwing June 24.

Katwiran pa niya, hindi naman daw niya sinaktan si manong.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, nakarating na sa pamahalaan ng naturang lungsod ang mga naging pinsala sa ilang mga taong dumaan doon noong araw ng kapistahan nila. Iniimbestigahan na raw nila ang mga taong dapat managot sa paglabag sa nilabas nilang alituntunin sa pagdiriwang.

Pahayag ng city tourism and cultural affairs office ng pamahalaang lungsod ng san juan tungkol sa ulat ng mga nanggugulo noong Basaan nitong Hunyo 24, 2024, sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista

Read also

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

Ang Basaan ay isang pangkulturang tradisyon na isinasagawa sa San Juan tuwing taunang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Bautista. Ito ay sumisimbolo sa binyagang isinagawa nina Hesukristo at San Juan Bautista, na ginugunita sa kapistahan ni San Juan Bautista tuwing ika-24 ng Hunyo. Ipinagmamalaki ng Lungsod ng San Juan ang tradisyong ito bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng Lungsod.

Noong 2021, agad na sumugod ang mga bumbero sa lugar sa San Juan na sinasabing may sunog kahit wala naman. Napag-alamang prank call lamang ito at walang katotohanang may nangangailangan ng kanilang tulong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate