CCTV footage ng nasunog na sasakyan ng beauty pageant contestant na nawawala, iniimbestigahan

CCTV footage ng nasunog na sasakyan ng beauty pageant contestant na nawawala, iniimbestigahan

- Sina Geneva Lopez, Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at Israeli boyfriend Yitshak Cohen ay naiulat na nawawala simula Hunyo 22

- Natagpuan ang nasunog na SUV ng magkasintahan sa Capas, Tarlac kasama ang mga gamit ni Lopez

- Sinusuri ng mga pulis ang CCTV footage mula sa iba't ibang lugar kabilang ang Angeles, Pampanga

- Nakipag-ugnayan na ang Israeli Embassy sa mga awtoridad ng Pilipinas tungkol sa insidente

Sinusuri ngayon ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.

CCTV footage ng nasunog na sasakyan ng beauty pageant contestant na nawawala, iniimbestigahan
CCTV footage ng nasunog na sasakyan ng beauty pageant contestant na nawawala, iniimbestigahan
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Oscar Oida sa 24 Oras noong Miyerkules, tinutunton ng pulisya ang mga lugar na pinuntahan ng magkasintahan bago natagpuan ang kanilang iniwang nasusunog na sport utility vehicle (SUV) sa kalsada ng Capas, Tarlac.

Read also

Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database

Natagpuan din sa loob ng nasunog na SUV ang mga gamit ni Lopez.

Ang ilang CCTV footage na hawak ng mga pulis ay mula sa Angeles, Pampanga, kung saan nakatira ang magkasintahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bago sila mawala, balak sanang bisitahin nina Lopez at Cohen ang isang property sa Capas, Tarlac na kanilang binabalak bilhin.

Makikita sa CCTV na umalis ang SUV mula sa kanilang tirahan sa Barangay Malabanias at pumasok sa Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Samantala, nagsumite ng mga debris sample mula sa nasunog na SUV ang Capas Fire Station sa kanilang national headquarters upang matukoy ang sanhi ng sunog.

“Ang concentration (ng sunog),’yung location parang sa driver side, sa front, tsaka ‘yung engine bay. ‘Yun ang totally burned at may mga signs na doon ang pinakamataas na temperature na nakita nila,” ayon kay Capas Fire Marshal Rustico Tayag Jr.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

Samantala, nagpahayag ng pag-aalala ang mga kakilala ni Lopez para sa nawawalang beauty pageant contestant na dapat sana'y lalahok sa Mutya ng Pilipinas Pampanga (MPP) event nitong Miyerkules.

Si Geneva Lopez, 27-anyos na modelo at kilalang beauty queen, ay naiulat na nawawala kasama ang kanyang nobyo na si Yitshak Cohen, isang 37-anyos na Israeli national, mula pa noong Biyernes, Hunyo 21, 2024. Ayon sa mga kaibigan at pamilya ng dalawa, huling nakita ang magkasintahan sa Tarlac Province, na matatagpuan sa hilaga ng Maynila.

Marami ang nabahala sa balitang ito lalo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin na-solve ang kaso ng nawalang beauty queen din na si Catherine Camilon. Nabasura ang reklamo sa tinuturong supek sa pagkawala niya dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya. Gayunpaman, sinigurado ng PNP na iaapela nila ang desisyong ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel