BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000

BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000

- Sa gitna ng isyu tungkol sa viral na social media post hinggil sa di-awtorisadong P345,000 na withdrawal, naglabas ng pahayag ang BDO

- Pinatunayan ng bangko na ang lahat ng online withdrawals ay na-verify bilang valid; ipinahayag ang mga hakbang sa seguridad

- Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Gleen Cañete dahil sa nawawalang pondo para sa pangkolehiyo ng kanyang anak

- Sa kabila ng insidente, pinangako ng BDO ang patuloy na pag-aalaga sa seguridad at privacy ng kanilang mga kliyente

Inihayag ng BDO Unibank Inc. ang kanilang tugon sa isyu kaugnay ng viral na social media post patungkol sa umano'y hacking incident na nagresulta sa di-awtorisadong pagkuha ng P345,000.

BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000
BDO, naglabas ng pahayag sa viral video ng kustomer na nawalan ng P345,000
Source: Facebook

Sa isang pahayag na inilabas noong Lunes, Hunyo 24, sinagot ng BDO ang account na ibinahagi ni Gleen Cañete sa social media patungkol sa kamakailang pangyayaring may kinalaman sa passbook.

Read also

Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses

Sinabi ng BDO na kanilang muling pinag-aralan ang mga withdrawal na nagdulot ng pagkabalisa kay Cañete at kumilos ng naaayon upang ituwid ang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"All withdrawals done by the accountholder online were verified to be valid. Mr. Cañete advised BDO that they will resolve matters within their family.," ayon sa bangko.

Si Cañete, na nag-post sa Facebook ngunit inalis din ang kanyang post, ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya dahil sa pagkawala ng P345,000 na ipinondo sana para sa kolehiyo ng kanyang anak.

Ayon kay Cañete, nangyari ito kahit na ang pera ay nakaimbak sa account na eksklusibong gumagamit ng passbook para sa mga transaksyon.

Gayunpaman, pinangako ng BDO na laging prayoridad ang seguridad ng kanilang mga kliyente at hinihikayat silang pangalagaan ang privacy ng kanilang mga account.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

Matatandaang minabuti ni RR Enriquez na ibahagi ang kanyang karanasan matapos niyang ipagkatiwala sa kanyang driver at staff ang pagdeposit ng pera nya. Aniya, binilang pa ito ng ilang beses bago ito ihatid sa bangko kaya imposibleng nagkamali siya sa bilang ng perang pinadala. Nilinaw niyang ayaw niyang pagbintangan ang kanyang staff at ang kanyang driver maging ang teller. Gayunpaman, hihingi umano siya ng kopya ng CCTV upang lumabas ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng kanyang 64,000.

Maging si Priscilla Meirelles ay nag-post sa IG Stories at ibinahagi ang kanyang masamang karanasan sa isang bangko. Sinabi niya na labis siyang nagulat dahil sa tatlong beses na naremit ang bayad sa merchant ng kanilang app. Nang ireklamo niya ito sa bangko, pinapunta siya na kontakin ang merchant at hingin ang kanyang pera dahil maaaring may error sa kanilang app.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel