Tito Mars, nagbahagi ng house tour sa bahay kung saan siya lumaki

Tito Mars, nagbahagi ng house tour sa bahay kung saan siya lumaki

- Pinakita ni Tito Mars ang bahay ng kanyang lolo at lola kung saan siya lumaki

- Sa kabila ng kanyang pinapakitang kaartehan sa kanyang content, sinabi niya na hindi talaga sila mayaman

- Sa kanyang pagbalik sa simpleng bahay ng kanyang lolo at lola, naibahagi ng kanyang lola na kumakain naman ng sardinas ang apo niya basta niluto

- Matatandaang nag-viral ang mga challenge na ginagawa niya kung saan kumakain siya ng ilang pagkain kagaya ng sardinas, tuyo at bagoong

Nagbahagi ng house tour si Tito Mars, isang kilalang social media influencer, sa bahay ng kanyang lolo at lola kung saan siya lumaki. Sa kabila ng kanyang pinapakitang kaartehan sa kanyang mga content, inamin ni Tito Mars na hindi talaga sila mayaman.

Tito Mars, nagbahagi ng house tour sa bahay kung saan siya lumaki
Tito Mars, nagbahagi ng house tour sa bahay kung saan siya lumaki
Source: Facebook

Sa video na naibahagi sa kanyang Facebook, ipinakita ni Tito Mars ang bawat sulok ng simpleng bahay ng kanyang lolo at lola. Makikita ang mga lumang kasangkapan at ang payak na pamumuhay na kanyang kinalakihan. Sa kanilang pag-uusap, naibahagi ng kanyang lola na si Tito Mars ay kumakain ng sardinas basta’t ito ay niluto.

Read also

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

Ang house tour na ito ay nagbigay ng bagong pananaw sa mga tagasubaybay ni Tito Mars tungkol sa kanyang tunay na buhay. Matatandaang nag-viral ang mga challenge na ginagawa niya kung saan kumakain siya ng ilang pagkain gaya ng sardinas, tuyo, at bagoong.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Read also

Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate