Anthony Leodones at Jamie Bautista, nagkabalikan na

Anthony Leodones at Jamie Bautista, nagkabalikan na

- Binahagi ni Anthony Leodones ang picture kasama ang asawa niyang si Jamie Bautista

- Aniya, sa pagkakataong ito ay mas maayos na ang kanilang pagsasama at nagpasalamat siya kay Jamie na bumalik ito sa kanya

- Dahil sa mga nangyari ay hindi nakaligtas ang dalawa sa mga panghuhusga ngunit tila hindi na nila ito pinapansin

- Ang mahalaga raw ay masaya sila, may maayos na buhay, pamilya at mga kaibigan

Nagkabalikan na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista matapos ang ilang buwang pagkakahiwalay. Sa kanyang social media account, masayang ibinahagi ni Anthony ang isang larawan kasama ang kanyang asawa, na nagpapakita ng kanilang muling pagtutulungan bilang mag-asawa.

Anthony Leodones at Jamie Bautista, nagkabalikan na
Anthony Leodones at Jamie Bautista, nagkabalikan na
Source: Facebook

Ayon kay Anthony, sa pagkakataong ito ay mas maayos na ang kanilang relasyon. Pinasalamatan din niya si Jamie sa pagbabalik nito sa kanyang piling. “This time mas maayos na.. salamat bumalik ka ” ani Anthony sa kanyang post.

Read also

Danica Sotto, nagsalita tungkol sa cheating allegations sa mister: ‘Napikon lang naman ako'

Bagama't hindi nakaligtas ang dalawa sa mga panghuhusga mula sa publiko dahil sa mga nangyari sa kanilang relasyon, tila hindi na sila nagpapaapekto sa mga negatibong komento. Para kay Anthony at Jamie, ang mahalaga ay ang kanilang kaligayahan at ang pagkakaroon ng maayos na buhay, pamilya, at mga kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inudyukan din nila ang mga netizens na piliin ang maging masaya. “Go lang guys, sabihin niyo gusto niyo sabihin hahaha basta kami masaya kami.. may maayos na buhay, pamilya at mga kaibigan. Piliin niyo maging masaya guys hahahaha,” dagdag pa ni Anthony.

Ang kanilang muling pagkakabalikan ay nagsilbing inspirasyon sa marami, pinapatunayan na sa kabila ng mga pagsubok, ang pagmamahal at pagtitiis ay susi sa matatag na relasyon.

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel