Basel Manadil, binahaging na-scam siya ng P650,000
- Inihayag ni Basel Manadil ang kanyang sama ng loob matapos siyang ma-scam umano sa halagang 650,000 pesos
- Sa kanyang vlog, ikinuwento ni Basel ang pangyayari matapos niyang mag-order sa isang online e-commerce website
- Ito ay para sa packaging para sa kanyang restaurant na YOLO Retro diner
- Binigay daw nila ang lahat ng mga dokumentong kailangan para mapatunayang na-scam sila pero wala daw nangyari sa kanilang reklamo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inihayag ni Basel Manadil ang kanyang sama ng loob matapos siyang ma-scam umano sa halagang 650,000 pesos. Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Basel ang masaklap na karanasan matapos siyang mag-order sa isang online e-commerce website.
Ayon kay Basel, nag-order siya ng mga packaging materials para sa kanyang restaurant na YOLO Retro Diner. Sa kasamaang-palad, matapos bayaran ang nasabing halaga, hindi na niya natanggap ang kabuuan ng mga produkto. Sinubukan nilang i-follow up ang order at magreklamo, ngunit wala silang nakuhang positibong tugon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Binigay raw nila ang lahat ng mga dokumentong kailangan upang mapatunayan ang kanilang reklamo, ngunit ayon kay Basel, tila walang nangyari sa kanilang pagsusumikap na makuha ang hustisya. Patuloy niyang ipinapahayag ang kanyang pagkadismaya sa nangyari at umaasang magbibigay ito ng babala sa iba na maging maingat sa kanilang mga transaksyon online.
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ibinahagi ni Basel ang kanilang muling pagkikita ng kanyang amang isang Syrian National. 10 taon silang hindi nagkita nang personal simula nang mapadpad siya sa Pilipinas noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Dahil sa kaguluhang nangyari sa Syria noon ay nagkahiwa-hiwalay silang magpapamilya. Kaya naman, walang mapagsidlan ang tuwa ng mag-ama sa muli nilang pagkikita.
Kamakailan ay binahagi ng vlogger na mas kilala bilang si Hungry Syrian Wanderer ang video ng pagdala niya sa kanyang partner sa ospital para sa panganganak nito. Hindi nito maitago ang kanyang excitement at kasiyahan habang hinihintay niyang maisilang ang anak nila. Naluha ito nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang kanyang panganay na isang baby boy. Bumuhos ang pagbati para kay Basel na kahit hindi dugong Pinoy ay malapit sa mga Pinoy dahil sa kanyang mga vlog.
Source: KAMI.com.gh