Rosmar Tan, binahagi ang picture sa birthday celebration at binyag ng kanyang mga anak

Rosmar Tan, binahagi ang picture sa birthday celebration at binyag ng kanyang mga anak

- Binahagi ni Rosmar Tan ang pasilip sa ginanap na 2nd birtday celebration ng kanyang panganay na anak na si Nathalie Rose

- Kasabay nito ay ang binyag naman ng bunso na anak niyang si Nathalia Rose kaya double celebration ang nangyari

- Bukod sa bonggang venue at pagkain, mayroon pang fireworks display na inihanda sina Rosmar

- Dinaluhan din ito ng mga vloggers at influencers na mga kaibigan ng mag-asawang Rosmar at Nathan

Ibinahagi ni Rosmar Tan ang mga videos mula sa masayang pagdiriwang ng 2nd birthday ng kanyang panganay na anak na si Nathalie Rose, kasabay ng binyag ng kanilang bunso na si Nathalia Rose. Tunay na isang double celebration ang naganap na puno ng saya at kulay.

Rosmar Tan, binahagi ang picture sa birthday celebration at binyag ng kanyang mga anak
Rosmar Tan, binahagi ang picture sa birthday celebration at binyag ng kanyang mga anak
Source: TikTok

Ang okasyon ay ginanap sa isang bonggang venue na pinalamutian ng mga makukulay na dekorasyon at masasarap na pagkain para sa lahat ng dumalo. Hindi rin nagpahuli ang mag-asawang Rosmar at Nathan sa pagpapasaya sa kanilang mga bisita, dahil nagkaroon pa ng makulay na fireworks display bilang bahagi ng selebrasyon.

Read also

Rosmar Tan, ibinigay ang mga karagdagang sorpresa para kay Diwata

Dinaluhan ang espesyal na okasyon ng mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa, kabilang ang ilang mga sikat na vloggers at influencers. Ang presensya ng mga ito ay nagdagdag saya at karagdagang highlight sa natatanging pagdiriwang na tiyak na tatatak sa alaala ng pamilya nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel