Diwata sa kanyang bashers: "Alam mo ang madumi? Mga ugali n’yo"
- Nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo
- Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya
- Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito
- Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng mensahe si Diwata para sa mga taong nagsasabing madumi ang kanyang pagkain na tinitinda. Sa TikTok post ng Art TV shop, diretsahang sinagot ni Diwata ang mga komentong ito.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Diwata, "Alam mo hindi madumi ang pagkain ko. Nakikita ng tao yan."
Ipinunto niya na ang kalidad ng kanyang pagkain ay hindi dapat kinukwestyon, at ito ay nakikita ng kanyang mga kostumer.
Sa halip, binatikos niya ang mga bashers dahil sa kanilang masasamang ugali, na aniya'y mas marumi kaysa sa anumang pagkain.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Alam mo hindi madumi ang pagkain ko. Nakikita ng tao yan. Alam mo ang madumi? Mga ugali n’yo. ‘Yun ang marumi. linisin n’yo yan
Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.
Pinatotohanan niya na ginagawa niya ang lahat ng tama at lumalaban siya nang patas.
Sa kabuuan, ipinapakita niya ang kanyang determinasyon na magtagumpay sa pamamagitan ng matapat at marangal na paraan.
Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata ay ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.
Matatandaang nag-trending ang isang takoyaki shop matapos ang kanilang post na isang April Fools prank. Ang naturang post ay tungkol sa challenge na magpapa-tattoo ng logo nila sa noo at mananalo ng P100K ang taong mauunang magpadala ng logo ng naturang shop sa kanilang noo. Isang lalaki umano'y ang sumeryoso sa kanilang post at agad na nagpa-tattoo sa kanyang noo. Bumuhos naman ang tulong mula sa iba't-ibang maliliit na negosyo para sa naturang lalaki.
Kasunod nito ay naglabas ng video ang may-ari ng Taragis na si Carl Quion tungkol sa aniya'y katotohanan sa pinag-uusapang April Fools' post nila. Inamin niyang planado ang lahat at noong nakaraang taon pa niya ito pinagplanuhan. Aniya, nasasaktan din siya para kay Tatay Ramil na tinatawag ng ibang netizen na scammer daw. Sinabi niya rin na hindi lahat ng nagsabing magbibigay ay nakapagbigay kay Tatay Ramil at P200K lang ang naihatid kay Tatay Ramil mismo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh