Miss Grace, nagbahagi ng bagong video: "The truth behind the lies"

Miss Grace, nagbahagi ng bagong video: "The truth behind the lies"

- Ibinahagi ni Miss Grace ang isang video na may pamagat na 'The truth behind the lies'

- Kasama niya ang dalawang anak na sina CJ at Aaron sa naturang video habang kumakain ng Filipino food

- Dito ay tinanong ni Miss Grace ang mga anak kung totoo bang naghihiraman sila ng underwear kagaya ng nabanggit sa video ni Pambansang Kolokoy

- Pinabulaanan ng tatlong anak nila ang tungkol dito at naglabas ng saloobin ang bunsong anak nilang si CJ

Nilabas ni Miss Grace ang pangibagong video kung saan kasama niya ang mga anak na sina CJ at Aaron. Tinanong ni Miss Grace ang mga anak kung totoo bang naghihiraman sila ng underwear kagaya ng nabanggit sa video ni Pambansang Kolokoy.

Miss Grace, nagbahagi ng bagong video: "The truth behind the lies. "
Miss Grace, nagbahagi ng bagong video: "The truth behind the lies. "
Source: Facebook

Sa paglabas ng kanilang saloobin, lumabas din ang malalim na pagtanggol ni CJ sa kanyang ina at pagpapahayag ng pagkadismaya sa mga pahayag ng kanyang ama.

Read also

PK sa anak na si CJ: "I hope you make the right decisions in life"

Sa kanyang pagsasalita, mariing pinanindigan ni CJ na hindi dapat paniwalaan ang mga bintang na ibinabato laban sa kanyang ina. Binigyang-diin niya na ang kanyang ama ay isang sinungaling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel